Kung sa TV ay hindi sila magawang mapagsama nang matagal, sa paggi-guest pa kaya sa show ni Ellen DeGeneres? ‘Yun ang mahirap sa tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, kailangang magtagal pa silang pagkitain dahil baka malagay sa alanganin ang kanilang tandem.
Kailangang ma-sustain ang excitement at interes ng publiko hanggang sa mapanood silang magkasama sa movie nina Bossing Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Kung ngayon ay baka agad mawala ang magic. Kaya, hintay-hintay na lang tayo. Okay?
Sen. Bong tiyak na-enjoy ang birthday
Happy birthday kay Sen. Bong Revilla. Hindi ka naman pwedeng maging malungkot kahit nakakulong ka as long as kasama mo ang lahat ng mahal mo sa buhay.
Make the most of it, senator. Kasama mo kami sa iyong pagdiriwang.
Bahay nina Ogie at Regine pinalaki para kay Nate
Gawa na pala ang bagong bahay ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
May three weeks na ring paunti-unti ang ginagawang pagsasaayos ng bahay ng mag-asawa. Mabilis sana ito, pero may hika ang mag-ama kaya kailangang walang alikabok at malinis ang buong kabahayan.
Pinalaki ng mag-asawa ang bahay nila para sa nag-iisa nilang anak na si Nate.