^

PSN Showbiz

Mas gustong mag-trabaho Billy ayaw patulan si Joey!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tama lang ang desisyon ni Billy Crawford, at sana maging ng buong pamunuan at cast ng It’s Showtime at mag-concentrate na lamang sa kanilang trabaho kesa pansinin ang mga parunggot sa kanila ni Joey de Leon.

Ganito lang naman ang labanan sa TV, lalo na pagdating sa ratings, talo ang pikon. Magpasalamat na lamang sila na agad silang nakaisip ng isang segment o gimik na maaring ipangtapat sa isang phenomenon na tulad ng AlDub. Nagsisimula na rin namang umarangkada ang pag-hahanap ni Ms. Pastillas ng kanyang Mr.Pastillas. Hindi man ito makaagapay sa kalyeserye ng kabila, mayro’n na ring segment ang Showtime na magbibigay ng maraming manonood sa kanilang programa.

Kris natakot sa karma, Mayor Bistek hindi pala tsinugi sa pelikula

Hindi naman pala inalis sa cast ng MMFF (Metro Manila Film Festival) movie ni Kris Aquino si QC Mayor Herbert Bautista. Idinagdag lang si Derek Ramsay para siguro gawing mas star-studded ang movie na matagal hinintay ang availability ng presidential sister.

Kung kilala natin si Kris hindi naman talaga siguro niya hihiyain ng ganoon na lamang ang ama ng lungsod ng QC sa pagpapatanggal dito sa cast ng movie. Takot lang niya sa karma.

Kunsabagay, with the addition of Derek sa movie, mas lalong naging interes­ting ang project. Tama lang siguro si Kris sa naging changes nito.

Mga ginagawa ni Sheryl nagbu-boomerang sa kanya

Obvious na malaki ang epekto ng ginawang pagbibigay ng opinyon ni Sheryl Cruz sa kandidatura ng kanyang pinsang si Sen. Grace Poe. Pero hindi siya dapat dito magalit kung ginagawa mang biro ang pagiging magkapatid ng pinsan niya at ni Sen. Bongbong Marcos. Ayaw din siguro ni Sen. Grace Poe ng ganung isyu, pero may magagawa ba siya? Ilang ulit bang dapat niyang ipagtanggol ang kanyang pagkatao?

Mayor Herbert suportadung-suportado ang LGBT community

Magsisilbing closing ng Diamond Jubilee Year Cele­bration ng Quezon City ang pagdaraos ng 2nd International Pink Festival. Ito ay isang pista ng mga pelikula na ginawa ng ating bansa at ng marami pang ibang bansa sa mundo na kumikilala at nagbibigay ng kaparehong karapatan sa LGBT community.

Magaganap ang QCIPFF mula October 6 hanggang 11 sa Gateway Cinema 1, Araneta Center. Magtatampok dito ng mga prize winning films sa Berlin Film Festival  kung saan ang QC Pink Festival direktor na si Nick De Ocampo ay nakasali sa 2015 film jury sa TEDDY Awards, isang section na dedicated para sa pagpapalabas ng LGBT films. Ang TEDDY Best Film ng Berlin na Nasty Baby ang magsasara ng Pista sa October 11. Ang iba pang pelikula mula sa Berlin ay ang El Hombre Nuevo/The New Man(Uruguay/Chile/Nicaragua, nanalong Best Documentary. Magbubukas naman ng festival  ang hottest fim sa LGBT circuit na Dressed As A Girl (UK). Ang producer nito na si Chris Amos ay dadalo sa festival. Dalawang ulit mapapanood ang pelikula sa October 6 at 9.

Ang pagdaraos ng QCIPFF ay lalong magiging mas makabuluhan sa pagpasa ng Gender Fair Ordinance, ang pinaka-una sa Asya, na nagpapamalas ng makabago at makataong pagtingin ng Lungsod sa mga LGBT sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Herbert Bautista.

Ang QCIPFF ay binuo ng QC Pride Council para sa QC Government at Diamond Jubilee Committee na pinamumunuan nina Direktor Soxie Topacio, Councilor Mayen Juico, Direktor Nick De Ocampo, at EJ Ulanday.

Buhay ni Elha tampok sa MMK

Alamin ang pinagmulan at pinagdaanan ng banana cue vendor na itinanghal na The Voice Kids season 2 grand champion na si Elha Nympha ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Bata pa lang ay mahilig nang kumanta si Elha (Brenna Garcia). Sa oras na matuklasan ito ng inang si Lucy (Nikki Valdez), lagi na nitong pinapahawak ng mikropono sa karaoke machine ang bata at pinayagan ding mag-vocal training sa kanyang tita na si Digna (Tina Paner). Makailang beses na siyang sumabak sa auditions para sa talent sear­ches pero hindi siya nakakalampas sa unang round. Pangarap nila ng kanyang ama na si Obet (Matt Evans) na maging isa siyang professional singer at makita sa telebisyon. Ngunit ang pangarap na ito ay biglang gumuho sa biglaang pagkamatay ng haligi ng kanilang tahanan.

Bilang panganay, pinili ni Elha na tulungan ang ina na kumayod at magbenta ng banana cue. Ang kalsada na ang kanyang naging bagong entablado dahil bigay todo kung handugan niya ng awitin ang kanyang masugid na customers. Makukuha niyang muli ang kumpyansa sa sarili na nag-udyok sa kanya sumali sa The Voice Kids, isang desisyong babago sa kanyang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Tampok rin sa episode sina Bryan Termulo, Paco Evangelista, Bianca Bentulan, Tom Doro­mol, Menggie Cobarubbias, at Hyubs Azarcon. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Fras­co Mortiz, at panulat ni Mark Duane Angos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

ACIRC

ANG

ARANETA CENTER

BERLIN FILM FESTIVAL

ELHA

GRACE POE

KANYANG

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NBSP

STRONG

VOICE KIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with