Tiyak na magiging matindi ang labanan sa araw na ito ng Sabado sa pagitan ng dalawang nagsasalpukang noontime show, ang Eat Bulaga ng GMA at It’s Showtime ng ABS-CBN.
Sinusubaybayan ng AlDub Nation ang magiging kaganapan sa pagitan nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ngayong pinayagan na ang una ni Lola Nidora (Wally Bayola) na bisitahin sa kanyang Mansyon si Yaya Dub.
Ang Showtime naman ay magsi-celebrate ng kanilang ika-anim na taon sa Big Dome kasama ang halos lahat ng mga stars ng Kapamilya Network including the hottest loveteams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, James Reid at Nadine Lustre, Enrique Gil at Liza Soberano at maraming iba pa.
Matalo kaya ng Showtime ang EB o patuloy pa rin ang puwersa ng mga tagahanga ng AlDub hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa?
Samantala, habang patuloy na kinababaliwan ng publiko ang AlDub, patuloy naman ang dating ng sunud-sunod na product endorsement offers sa dalawa na malapit na ring mapanood sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na My Bebe Luv (#KiligPaMore) nina Vic Sotto at AiAi delas Alas mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes.
Sheryl may respeto pa rin daw kina Susan at Sen. Grace
Nasa sentro ngayon ng kontrobersiya ang singer-actress na si Sheryl Cruz dahil sa kanyang naging sorpresang pahayag na may kinalaman sa kandidatura sa pagka-presidente ng kanyang pinsan na si Sen. Grace Poe.
Sinabi ni Sheryl na sarili niyang opinion ang hindi niya pagsuporta kay Sen. Grace na sa pananaw niya (Sheryl) ay hindi pa handa na magpatakbo ng Pilipinas.
Wala umano siyang personal na galit kay Sen. Grace Poe na tinulungan niyang ikampanya nang ito’y tumakbo sa pagka-senador.
Ayon kay Sheryl, she is entitled sa sarili niyang opinion. Ang paniwala ng singer-actress na mas hinog si Sen. Grace Poe kung maghihintay pa umano ito ng next presidential elections in 2022.