Parang hindi nagbawas ng trabaho Kris may bagong show!

Kabilang si Kris Aquino sa maggi-guest sa It’s Showtime bukas para mag-promote ng Etiquette for Mistresses  at para na rin makisaya sa kick off ng anniversary ng ABS-CBN show next month. Makakasama ni Kris sa guesting ang ibang cast ng Star Cinema movie na showing sa September 30.

Nagpaalam na pala si Kris sa viewers ng Aquino & Abunda Tonight, hindi na siya mapapanood for health reasons. Naging emotional nga si Kris sa pamamaalam via Instagram (IG), pero intriguing ang binanggit nito patungkol kay Boy Abunda na “Tonight I’ll say goodbye to him temporarily, because you know we’ve always found a way back into each other’s arms” at “Next week I start a new career.”

Tanong ng fans nito, ano ang ibig sabihin ni Kris na kanyang bagong career? Ito raw ba ‘yung nababalitang bagong show niya sa ABS-CBN? Matatandaang hindi niya ito sinagot nang tanungin sa presscon ng Etiquette for Mistresses.

Bryan White makiki-National Pabebe Wave Day?

Tama ba ang hula ng AlDub Nation na ang isa sa mga pasabog ng Eat Bulaga bukas ay ang pagda­ting ng foreign singer na si Bryan White at original singer ng God Gave Me You na dina-dubsmash ni Alden Richards at itinuturing na theme song ng Al­Dub love team nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub?

Lalong naniniwala ang AlDub Nation dahil sa mga tweet ni Bryan White na “Yes Soon! Good news ahead!” at “Coming very soon! Get ready!”. Mukhang makakasama siya sa celebration ng Eat Bulaga ng National Pabebe Wave Day. Pero nang tanungin ng fans kung nasa bansa siya bukas, walang sagot si Bryan White.

Samantala, ngayong Friday ang tentative airing ng O+ cellphone TVC nina Maine at Wally Bayola bilang si Lola Nidora.

Jessy pumalag na rin sa bashers

Sayang at hindi namin na-save ang isa sa mga bagong post ni Jessy Mendiola sa IG kung saan sinagot niya ang isa niyang basher. Nang balikan namin ang post na isang quotation, deleted na ito.

Maganda pa naman ang buod ng quotation at maganda ang sagot ni Jessy sa kanyang basher at tila na­banggit na magpapa-in­ter­­view na siya na matagal nang hinihingi ng bashers nito.

Hit pala sa fans ni Jessy at ni JM de Guzman ang pinost ni Jessy na pictures na kuha sa pictorial niya para sa September issue ng Uno Magazine. Ang ganda-ganda ni Jessy sa cover at sa ibang pictures na kuha ni Xander Angeles.

Ruru hindi pinalalampas ang mga naninira sa INC

Present si Ruru Madrid sa presscon ng Felix Manalo, hindi lang dahil member siya ng Iglesia Ni Cristo, pero dahil guest siya sa nabanggit na pelikula at ginagampanan ang role ni Eusebio Sunga. Very proud si Ruru na maging part ng pelikula na biopic ni Felix Manalo.

Nakuwento pala ni Ruru na noong mag-rally ang INC sa EDSA, gusto sana niyang sumama, pero may pumigil sa kanya. Nasasaktan din siya ‘pag may tumitira sa INC at mga kasama niya sa social media at sumasagot siya kapag na-feel niyang sobra na at nadedehado na ang INC. Kaya laking pasalamat ni Ruru na maayos na ang lahat at maipapalabas ang Felix Manalo sa October 7 nang wala ng gulo.

Ibinalita rin ni Ruru sa mga nakausap na press people na sa mga susunod na episodes ng The Half Sisters, babait na ang karakter niyang si Joaquin at hindi na manggugulo kina Barbie Forteza at Andre Paras.

Show comments