^

PSN Showbiz

May gusto raw maglagay ng bomba sa kanyang mga gamit... Female personality inaatake na naman ng pagkahibang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kakaibang kakrungkrungan ang isang female personality na hindi na bagets pero hindi pa rin naman katandaan. Marami siyang ginagawang kalokahan na ikinawiwindang ng kanyang mga kasamahang artista at ng production staff na rin.

Tanggap na ng marami ang kanyang kaartehan, pero may mas matindi pa siyang ginagawa na ikinaloloka ng mga katrabaho niya, kailangan na nga bang makipagkita sa kanyang doktor ang girl?

Ayon sa kuwento ng mga nakakakilala sa babaeng personalidad ay matagal na siyang ganu’n. Ang mga kalokahan din pala niya ang dahilan kung bakit wala siyang tumatagal na manager.

“Matigas ang ulo ng babaeng ‘yun! Wala siyang pinakikinggan, mamalatin ka lang sa kapapayo sa kanya, pero ang gusto pa rin niya ang ginagawa niya. Keber lang ang peg niya.

“May sariling mundo si ____(pangalan ng aktres), walang pinakamagaling kundi siya, ayaw niyang kinakabog siya ng iba, super-insecure ang hitad na ‘yun!” kuwento ng aming source.

Lutang din ang kapraningan ng female personality. Minsan ay nag-taping ang seryeng kasali siya sa isang ospital. Hanap na nang hanap sa kanya ang produksiyon pero hindi siya makita.

“Tinawagan siyempre ng staff ang kanyang manager, ini-report nila ang nangyayari. Tinawagan ng manager ang aktres, nasaan daw ba siya? Naloka ang kanyang manager, nasa tapat kuno siya ng isang food chain na malapit lang sa ospital.

“Ang sabi niya, ‘Nandito lang ako, ayoko munang pumasok. Baka kasi lagyan ng bomba ng mga security guards ang compartment ko.’ Simula na ‘yun ng pagkaloka ng manager niya. After a few months, binitiwan na siya ng manager niya dahil sa pagkaloka sa kanya!” kuwento pa rin ng aming impormante.

Ubos!

Kaya negang-nega ang imahe Sheryl nabubuhay pa rin sa nakaraan

Natutulog sa nakaraan si Sheryl Cruz. Pakiramdam niya ay ginagamit sa kandidatura ni Senadora Grace Poe ang kanyang inang si Rosemarie Sonora.

Nananahimik na nga raw ang mommy niya sa Amerika, pero nakakaladkad pa ang pangalan nito, wala man lang daw nagtanggol sa kanyang ina sa mga isyung may kinalaman sa pagiging mag-ina nito at ni Senadora Grace.

At ipinakadiin-diin pa ni Sheryl na hindi siya papayag na magpa-DNA test, hindi raw niya kapatid si Senadora Grace, magkaiba raw ang kanilang ina.

Nineteen kopong-kopong na ang inaariba ni Sheryl, ‘yun ang kuwentong kumalat nu’n na si Senadora Grace daw ay anak ng namayapang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang inang si Rosemarie, isang urban legend na ginagawa na lang na joke ngayon nina Senadora Grace at Senador Bongbong Marcos.

Gumagawa na lang ng mga dahilan si Sheryl dahil kontra siya sa pagtakbo sa panguluhan ni Senadora Grace. Hindi pa raw ito handa sa ganu’n kataas na posisyon, sana man lang daw ay sa vice-president muna tumakbo ang kanyang Manang Grace, puwede pa.

‘Yun daw ang kanyang opinyon, sana raw ay maintindihan siya sa kanyang paninindigan, sa pagsasalita ni Sheryl ay mararamdaman ang pagkainggit niya sa mga tagumpay na naaabot ngayon ng senadora.

At hindi ang kampo ni Senadora Grace ang kumakaladkad sa pangalan ng kanyang ina, ibang tao ang kumakalkal sa kuwento, tanungin din muna sana ni Sheryl ang kanyang Manang Grace kung gusto siyang maging kapatid nito.

Negang-nega ang imahe ngayon ni Sheryl Cruz. Ang ibinubutas sa kanya ng ating mga kababayan, sa respeto na lang sa kanyang Manang Inday (Susan Roces) na dapat niyang ibinibigay ay hindi na sana siya gumagawa ng mga eksenang ganyan.

ACIRC

ALIGN

ANG

KANYANG

LEFT

NIYA

QUOT

SENADORA GRACE

SHERYL

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with