^

PSN Showbiz

Pero kukuha muna ng surrogate mother Iza gustong maging nanay pero ayaw magbuntis!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Malaking problema ito kung tutuusin pero, ayaw itong tingnan na isang problema ng isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz na si Iza Calzado. May ilang panahon na rin ang relasyon nila ng boyfriend niya at sabik na silang magka-baby pero, sa ngayon ay hindi pa handang isakripisyo ng magaling na aktres ang kanyang magandang pangangatawan na ilang panahon din niyang inalagaan para maging maganda at malusog din.

Kung magbubuntis siya ay baka matagal silang maghihintay dahil mga da­lawa hanggang limang taon pa  niya nanaising magdala ng bata sa kanyang sinapupunan. Payag naman sila pareho ng kanyang partner sa surrogacy o ‘yung pagbubuntis ng ibang babae para sa kanya pero, pinag-iisipan at pinag-aaralan pa nila itong mabuti. Basta sa ngayon payag namang maging nanay ni Iza, ang hindi pa siya handa ay yung siya ang magbubuntis ng siyam na buwan sa kanyang magiging anak.

Direk Joel nahirapang putulin ang Felix Manalo para mapagkasya sa tatlong oras

Akalain mo, anim na oras palang tatakbo ang pelikulang Felix Manalo kung hindi ito pinaikli sa editing at ginawang tatlong oras na lamang. Hindi naman masasayang ang ilang oras na mapuputol dahil maari pa rin itong mapanood sa Director’s Cut sa pagpapalabas nito locally at ma­ging kapag isinali ito sa mga international competitions at filmfests.

Sinunod lamang ni direk Joel Lamangan ang script na ibinigay sa kanya at nang matapos niya ito ay pinili lamang ang mga eksenang gustong ipakita. Medyo nahirapan sila rito dahil talagang pili ang mga eksena at mahalaga sa istorya. Hindi karaniwang tumatagal ang isang pelikula ng mahigit sa dalawang oras.

Si Sarah Geronimo ang kakanta ng theme song ng movie pero, hanggang ngayon ay hinihihintay pa rin na mabuo ang kanta na gagawan ng areglo ni Louie Ocampo. Tiwala ang lahat ng nasa produksyon na aabot ito sa October 7 playdate ng movie. Bago ang regular run, magkakaro’n ng premiere showing sa October 4 ang Felix Manalo sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kung mahaba ang talaan ng mahigit sa 100 artista na gumaganap sa pelikula gaya nina Gabby Concepcion, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Snooky Serna, Lorna Tolentino Richard Yap, Dale Badillo, bukod pa sa gumaganap na Felix at Honorata Manalo  na sina Dennis Trillo at Bela Padilla, mas marami ang mga extra na ginamit sa halos lahat ay malalaking eksena ng pelikula. Pitong libo silang lahat na wala ni isa mang nakaringgan ng kahit anong reklamo na hindi naasikaso ng mabuti sa pagkain man o akomodasyon.

Kinunan ang pelikula sa loob ng 58 na araw  pero, ang paggawa nito ay inabot ng walong buwan kasama ang pinakamagagaling at kinikilalang tao sa idustriya ng pelikula gaya nina Rody Lacap para sa photography, Edgar Littaua, prod design, Danny Red, set design and construction, Joel Marcelo Bilbao, costume design, Juvan Bermil, make-up, Von de Guzman, musical director, Albert Michael Idioma, sound engineer, John Wong, film editor, Adrian Arcega, visual effects, Arman Reyes, assistant director at Julius Alfonso, associate director. Binabagtas ng pelikula ang pagsisimula at paglago ng INC mula 1914. Ipinakikita rin sa pelikula ang kapanganakan ni Ka Felix nung 1886 hanggang sa kanyang kamatayan  nung 1963.

Tatangkain nga ng Felix Manalo na higitan ang Guinness World Records para sa largest audience attendance sa isang film premiere at screening sa October 4. Kaugnay nito ita-transform ang Philippine Arena sa isang malaking sinehan, gamit ang 22 meters by 40 meters na screen para sa isang makabuluhang full-theater experience. Whew……

Sheryl takot maagawan ng ina?

Nagmistulang kontrabida si Sheryl Cruz sa ginawa niyang pagbibigay ng kanyang opinyon sa hindi pa napapanahong pagtakbo ng kanyang pinsang si Sen. Grace Poe bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Ipinalagay tuloy ng marami na meron silang hindi magandang samahang mag-pinsan at ang pagkakasangkot ng baguhang pulitiko sa kanyang inang si Rosemarie Sonora na naninirahan na sa US ang sinasabing dahilan ng disgusto (galit?) ni Sheryl. Sinasabi kasing ang retirado nang aktres ang tunay na ina ni Sen. Grace na ikinasasama ng labis ng loob ni Sheryl kaya nakapaglabas ng kanyang hinaing sa pamamagitan ng hindi pagsuporta sa pagtakbo nito.  Tsk. Tsk. Tsk.

Antoinette nanahimik na

Tama lang ‘yung walang kontrobersya na lumalabas tungkol kay Antoinette Taus ngayon, nakakagalaw siya ng maayos at nagagawa ang kanyang trabaho ng walang pressure.

Natapos na rin sa wakas ang pang-iintriga sa kanya ng marami sa ex niyang si Dingdong Dantes at sa asawa nitong si Ma­rian Rivera. Marami ang nag-akalang she was here to cause trouble sa mag-asawa. Mabuti na lamang at sa kalabang istasyon ng Kapuso na Kapamilya siya nagkatrabaho. Bukod sa malayo siya sa dalawa para mang-intriga, talaga namang ayaw niya ng gulo sa kanyang buhay, gusto lamang niyang makapagtrabaho ng tahimik.

Matapos ang ilang mga proyekto na muling nagpamalas sa kanyang talento sa pag-arte, ang musical stage naman ang kanyang pinagbalingan. Magagamit niya ang kanyang singing voice sa pagbabalik ng Bituing Walang Ning­ning sa susunod na buwan sa Resorts World. Magsisilbi siyang alternate ni Cris Villongco sa role ni Lavinia Arguelles na ginampanan sa movie ni Cherie Gil. Silang dalawa ni Epi Quizon ang karagdagan sa cast ng musical.

ACIRC

ADRIAN ARCEGA

ALBERT MICHAEL IDIOMA

ANG

ANTOINETTE TAUS

FELIX MANALO

HINDI

KANYANG

NBSP

PHILIPPINE ARENA

SHERYL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with