^

PSN Showbiz

John at Isabel nakahanda na ang pangalan, mapababae o lalaki man ang magiging panganay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Siyam na taon nang miyembro ng Bench Family ang actor-dancer at mister ni Isabel Oli na si John Prats kaya nagpapasalamat ito na hanggang ngayon ay kabilang pa rin siya sa pamilyang ito.

At kahit may asawa’t malapit nang maging daddy ang kuya ni Camille Prats, marami pa rin ang kinikilig sa kanya tulad na lamang nang siya’y lumabas sa entablado para magpakitang gilas ng kanyang galing sa pagsayaw.

“Nagpapasalamat po ako na hanggang ngayon ay kapamilya pa rin po ako ng Bench,” pahayag ni John pagkatapos ng fashion event ng Bench Quick Fix.

Kahit hindi pa alam ang gender ng kanilang magiging first born ng misis niyang si Isabel ay may nakahanda na umano silang pangalan - kapag girl, Feather pero kapag boy ay isang Hawaiian name na Keoni na ang ibang sabihin ay John.

Si John ay regular pa ring napapanood sa ASAP 20 at sa late night show na Banana Split.

Coco at Maja walang pinagbago ang samahan

Although nali-link siya sa Doble Kara star na si Julia Montes, loveless pa ring maituturing ang Teleserye King na si Coco Martin at single rin ngayon ang kanyang balik-kapareha sa Ang Probinsyano na si Maja Salvador na una niyang nakatrabaho sa seryeng Minsan Lang Kita Iibigin.

Since parehong loveless at single sina Coco at Maja, hindi malayong ma-develop into something deeper ang pagkakaibigan ng dalawa laluna’t madalas silang magkasama sa taping ng Ang Probinsyano na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes ng gabi, September 28.

Ang maganda kina Coco at Maja, never na nagbago ang kanilang pagkakaibigan magmula nang sila’y unang magkatrabaho mahigit tatlong taon na ang nakalipas.

ANG

ANG PROBINSYANO

BANANA SPLIT

BENCH QUICK FIX

CAMILLE PRATS

COCO MARTIN

DOBLE KARA

ISABEL OLI

JOHN PRATS

JULIA MONTES

MAJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with