Kahit may bf, Bela bigay na bigay kay Coco

Kamakailan ay lumipat na sa bakuran ng ABS-CBN si Bela Padilla. Masayang-masaya ang aktres dahil natupad na ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang Kapamilya star. “Ang daming nagsasabi sa akin na iba po ‘yong aura ko ngayon na nakalipat na ako. Siguro po kasi I’ve been waiting for this for so long. Ang laking fulfillment for me,” nakangiting bungad ni Bela.

Makakatambal ng dalaga si Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsyano na magsisimula na sa Lunes sa Primetime Bida. Noon pa rin daw pinapangarap ng aktres na makatrabaho si Coco. Aminado si Bela na hinahangaan niya si Coco bilang isang maga­ling na aktor. “I think for all the actresses my age to work with Coco is a dream. Kasi we all admire his work ethic. We all know how good he is. Ang galing-galing niyang umarte,” pahayag ng aktres.

Mag-asawa sina Bela at Coco sa nasabing serye kaya natural lamang na maraming kissing scenes ang dalawa. Hindi raw nakaramdam ng selos ang kasintahan ni Bela kay Coco ayon sa aktres. “Not at all. Kasi si Neil po ay film producer, so he understands. Alam niya kung ano ‘yung mga kailangang ibigay sa show, kung ano ‘yung mga requirements,” giit ng dalaga.

Si Maja Salvador ay isa rin sa mga katambal ni Coco sa nasabing soap opera.

Janella hindi inasahang makakasali sa MMFF

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sa isang pelikula sina Marlo Mortel at Janella Salvador. Mas nakilala ang tambalan ng dalawa bilang MarNella na napasikat noon sa teleseryeng Oh My G! Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ng dalawa ang kanilang muling pagtatambal sa pelikulang Haunted Mansion. Isa ito sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). “We’re almost done actually, so malapit na. And excited na rin kami kasi malapit na ring lumabas ang trailer,” bungad ni Janella.

Nahirapan daw si Marlo sa kanyang role sa pelikula. “Mahirap siya para sa akin. Mas nahirapan ako rito kasi iba talaga eh. Kasi ‘yung takot kailangan mapaniwalaan ng tao eh. So medyo mahirap pero tina-try naman namin ang best namin at tinutulungan kami ni Direk Jun Lana,” nakangiting pahayag ni Marlo.

Hindi raw inakala ng magkatambal na mapapabilang ang kanilang pelikula sa MMFF. Kaya naman ibang kaligayahan ang naramdaman nina Marlo at Janella nang malaman nila ang magandang ba­lita. “Actually, noong sinu-shoot namin ito first time, hindi pa siya naka-line up doon hanggang sa ibinalita na lang sa amin after ilang shooting day na naka-standby na siya. And then talagang final na MMFF na siya,” kwento ng aktor.

“Dream ko naman talaga na magka-movie sa MMFF pero hindi ko naman ini-expect na sariling movie ko na ‘yun. So I’m just so happy,” dagdag naman ni Janella.

Show comments