VP Jojo nanghihinayang kay Gov. Vi

Ang daming kuwento ni Vice President Jojo Binay sa tsikahan portion nila kahapon ng entertainment press.

Take note, kilalang-kilala ni Papa Jojo sina Alden Richards at Maine Mendoza. Updated si Papa Jojo sa mga nangyayari dahil alam niya na umabot sa 12.1 million ang tweets sa date ng AlDub noong Sabado.

Kung may mga showbiz personality na type ni Papa Jojo na magkampanya para sa kandidatura niya sa 2016, ang AlDub ang gusto niya pero knows ni Vice-President na hindi pinapayagan sina Alden at Yaya Dub na mag-endorse ng mga kandidato sa eleksyon sa susunod na taon.

Tawang-tawa ako sa sagot ni Papa Jojo nang tanungin siya tungkol sa pagsasapelikula sa life story niya. Kung sakali raw na isalin sa pelikula ang kanyang buhay, si Alden ang gusto niya na gumanap bilang Jojo Binay. Madali na raw paitimin ang kulay ni Alden dahil ginagawa naman ito sa mga artista ng pelikula.

Para kay Papa Jojo, qualified na qualified si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na kumandidato bilang bise-presidente ng bansa sa 2016 elections dahil sa karanasan ng Star for All Seasons sa public service.

Inamin ni Papa Jojo na nasa listahan nito para maging running mate si Mama Vi pero alam niya na wala sa plano ng aktres na kumandidato na bise-presidente.

Tatlo ang nasa listahan ni Papa Jojo pero secret pa ang mga pangalan ng kanyang mga napipisil, kahit isa sa matunog ang name ni Senator Bongbong Marcos.

Sen. Nancy hinigpitan din sa pagbisita kina Sen. Bong at Sen. Jinggoy

Kasama ni Papa Jojo sa tsikahan portion sa entertainment press ang kanyang anak na si Senator Nancy Binay.

Apat na beses na pala na dumadalaw si Mama Nancy kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kinumpirma ni Mama Nancy na hindi siya pinapasok sa custodial center sa huling bisita niya kina Bong at Papa Jinggoy dahil hinanapan siya ng permit. Natuloy naman ang pagbisita ni Mama Nancy dahil sinunod niya ang wastong proseso ng pagdalaw ng mga senador sa kanilang mga kasamahan sa senado.

Correction please, bag na ibinigay ni Vic kay Pauleen Moynat hindi Hermes

Moynat at hindi pala Hermes ang bag na ibinigay ni Vic Sotto kay Pauleen Luna.

Hindi naman kasi ako brand conscious at hindi rin ako pamilyar sa Moynat kaya ang buong akala ko, Hermes ang brand ng pink bag na pinaglagyan ni Bossing ng engagement ring na ibinigay niya sa kanyang soon-to-be bride.

Show comments