Isang malapit na kaibigan ng actress na si LJ Reyes ang nagkuwento sa amin na hindi umano masuwerte ang actress kapag dumadalo siya sa isang award-giving body kung saan siya nominado dahil hindi siya nananalo. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng ex-gifriend ng actor na si Paulo Avelino nang ito’y tanghaling Best Actress sa ika-13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia na nagsimula noong September 12 at nagtapos last September 18 para sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan pero wala siya sa awards night para tanggapin ang parangal. Ito bale ang kauna-unahang Best Actress trophy ni LJ.
Ang pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan ay idinirek ni Jun Robles Lana na siya ring nanalong Best Director plus two other awards.
Mga Bicolano siguradong malilito ‘pag tumakbo rin si Rep. Leni Robredo
Kung totoo ngang pumayag si Rep. Leni Robredo na tumakbo bilang running mate ni dating DILG Sec. Mar Roxas, tiyak na mahahati ang boto ng mga Bicolano dahil parehong Bicolano ang maglalaban sa pagka-vice president sa darating na halalan.
Si VP Jojo Binay na lamang ang hindi pa naghahayag ng kanyang makaka-tandem sa 2016 elections.
Samantala, tiyak na majority ng mga taga-showbiz ay susuporta sa kandidatura ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero na parehong malapit ang puso sa mga taga-showbiz.
Magmula nang magdeklara ng kanyang presidential bid si Sen. Grace, maraming ibang kandidato mula sa ibang partido ang nakikipag-alyansa sa kanila ni Sen. Chiz and counting.
AlDub nagbabadya na ng happy ending
Sa takbo ng kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi malayong mauwi sa totohanan ang kakaibang “love affair” ng mga pangunahing bida na sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Nakikita kasi sa genuine reaction ng dalawa nang sila’y muling magkita sa kanilang aborted “date” noong nakaraang Sabado ng hapon.
Sa mahigit dalawang buwan na tumatakbo ang accidental kalyeserye ng Eat Bulaga, mukhang nadi-develop na rin sa isa’t isa sina Alden at Maine na siya namang gustong mangyari ng AlDub followers.