Wow nakikipag-meeting na si Pauleen Luna sa wedding coordinator para sa kasal nila ni Bossing Vic Sotto. Kahapon sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ang pakikipag-meeting niya sa grupo ni Rita Neri.
Nakipagkita na rin siya sa magiging Maid of Honor niya.
Anyway, nasilip ko sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday night ang interview ni Pauleen at ikinuwento niyang simpleng-simple lang ang naging proposal sa kanya ng TV host/comedian.
Wala raw pabongga basta ibinigay sa kanya ang singsing na siya pa nga ang nagsuot sa daliri niya.
“Sabi niya, ‘Will you marry me?’ And then that’s it.”
Pero sa kuwento ni Nay Lolit Solis sa kanyang column sa Pang-Masa (PM), inilagay daw ni Vic ang nasabing singsing sa Hermes bag bago ibinigay kay Pauleen. At personalized daw ang bag dahil may initial itong MPS na ang S ay for Sotto na.
Thirty five years ang gap ng dalawa pero ayon kay Pauleen alam niyang dininig ng Diyos ang mga dasal niya sa magaganap na kasalan. “I think it’s really God. Prayers talaga. It works. I think ang Panginoong Diyos lang po talaga ang nagbigay sa amin.
“Kasi we’ve reached that point na we know each other very well, we seldom fight.
“Minsan na minsan lang because, I think, ‘yung fact na alam na namin kung ano ang makakapagpagalit sa isa’t isa, iniiwasan na lang po namin,” sabi niya kay Ms. Jessica.
Pero wala pa ring detalye na ibinigay si Pauleen kung kelan ba talaga magaganap ang kasalan.
Sarah certified iconic na
Wow, level up na sa pagiging actress ni Sarah Geronimo.
Ito ay matapos siyang mapasama sa mga pinarangalan ng FAMAS bilang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema, ang natatanging pagkilala ng FAMAS kina Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Maricel Soriano, Dawn Zulueta, at si Sarah nga.
Lahat naman kasi ng mga pelikula ni Sarah ay tumabo sa takilya at isa talaga siya sa maitututing na movie queen bukod pa ‘yan sa pagiging concert queen ng bagong henarasyon.
Heneral Luna napiling isabong sa Oscars
Ang pelikulang Heneral Luna na ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang official entry sa 2016 Oscars sa Best Foreign Language Film category. “We are happy to announce and share with everyone the good news: HENERAL LUNA has been selected as the Philippines’ Official Entry to the 2016 Oscars in the Best Foreign Language Film Category!,” ayon sa Facebook post ng HL tungkol sa pagkakapili ng pelikula nila sa FAP.
Kasama sa pinagpilian ang Taklub at Hari ng Tondo.
Kailangan nilang ikampanya ang nasabing pelikula sa Amerika para mapansin ng mga hurado sa Foreign category ng Oscars.
Hanggang ngayon ay ipinalalabas pa rin ang Heneral Luna sa mga sinehan matapos magkaroon ng extension dahil sa magagandang review.
Bida sa pelikula si John Arcilla bilang si Heneral Luna at suportado nina Arron Villaflor, Joem Bascon, Archie Alemania, Alex Medina, Art Acuña, Mon Confiado, Epy Quizon, Bing Pimentel, Paulo Avelino, Mylene Dizon, Alvin Anson, Nonie Buencamino, Lorenz Martinez, Leo Martinez, Ketchup Eusebio at marami pang iba, directed by Jerold Tarog.