Mga nagwagi ng Sineng Pambansa Climate Change Scriptwriting contest pinarangalan na
MANILA, Philippines – Ginawaran noong September 17, 2015 ang winners ng Sineng Pambansa Climate Change Scriptwriting Contest sa Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang mga nangunang kalahok sa Full Length Documentary category at Short Fiction feature category ay nakatanggap ng Certificates of Award at kaukulang papremyo.
Ipinresinta ni FDCP Chairman Briccio Santos sa mga nanalo ang kanilang certificates at nag-udyok sa mga ito na gumawa pa ng mga materyal na may kaugnayan sa climate change. Ang nasabing adbokasya ay mas lalong palalakasin sa pagsasagawa nito taun-taon. At kapag may nakahanda na silang pondo ay isasaproduksyon na ang mga nanalong script.
Matapos pagpilian ang mahigit sa 100 scripts na isinumite sa contest, isang special jury ang nag-deliberate ng mga nanalo sa Full Length Documentary category at Short Fiction feature category.
Ang mga nagwagi sa Full Length Documentary category ng pa-contest ay ang mga sumusunod: 1st place – Disigisaw (written by Sheryl Rose M. Andes); 2nd place – Environgers (written by Analisa Puod); and 3rd place – The Water Bearers (written by Mario L. Mendez, Jr.). Ang mga nagwagi sa Full Length Documentary category ay nakatanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng Php 100,000 for first place, Php 50,000 for second place, at Php 25,000 for third place.
Samantala, apat ang nag-tie sa Short Fiction feature category: Ang Bisikleta ni Lolo Kiko (written by Maricel C. Cariaga), Ang Dalawahan (written by Vinson Lance S. Gabato), The Assignment (written by Crisanto P. Fuego), at Hukay (written by Marvin C. Gabas). Ang cash prizes para sa nasabing kategorya na nagkakahalaga ng Php 85,000 ay hinati sa 4 na nag-tie na winners. Ang bawat nanalo sa Short Fiction feature category ay nakatanggap ng tig-Php 21,250.
Ang Climate Change Scriptwriting contest ay nanghihikayat sa mga manunulat na ipaalam sa mga tao ang nangyayaring climate change na nararanasan natin sa nagdaang mga taon. Ang mga script na kanilang ginawa ay magiging basehan ng susunod na henerasyon ng short films o full length documentaries para makapagbigay kaalaman sa nasabing problemang kinakaharap ng lahat.
Ito’y naglalayong ipaalam sa mambabasa at manonood para maging conscious sa ating kapaligaran at magtulak sa kanila na kaharapin ang nasabing isyu.
- Latest