Nakakalungkot para sa mga tagahanga ng Sessionista ng ASAP ang pagkawala ni Aiza Seguerra. Ito na nga lang ang natirira sa grupo dahil nawala na nang magbuntis sina Sitti at Juris Fernandez tapos tinanggal pa si Aiza.
Natira na lamang sina Kean Cipriano at Richard Poon na baka hindi makayang itaguyod ang kanilang grupo na silang dalawa lang.
Pwede namang palitan ang mga nawala, pero, ganun pa rin kaya ang magiging epekto nito sa mga manonood?
Pinagkakitaan sana beauty at talent ni Bela inisnab ng Kapuso
Napaka-appreciative naman ni Coco Martin sa kanyang asawa sa Ang Probinsyano na si Bela Padilla. Binigyan niya ito ng isang turntable na may kasamang plaka ng The Beatles na ipinost pa ng aktres sa kanyang Instagram account.
Maganda ang role ni Bela sa nasabing serye. Sabi nga ni Vero, bukod sa maganda ang bagong recruit ng Kapamilya ay marunong din itong umarte. Bakit kaya siya pinabayaang makakawala ng GMA?
Kahit ‘di nakadalo, LJ nakasungkit ng Best Actress sa Pacific Meridian Int’l Filmfest
Binabati ko si LJ Reyes na nagwaging Best Actress sa 13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan.
Nanalo ding best director para sa nasabing pelikula si Jun Lana.
Hindi natanggap ni LJ ang kanyang award dahil wala siya sa awards night.
Dahil uli kay Jessy?! JM negatibong-negatibo na naman ang aura
Sayang si JM de Guzman kung totoo ang mga hindi magagandang kuwento sa kanya. Hindi naman siguro ang problema nila ni Jessy Mendiola ang humahatak sa kanya pababa dahil sabi ng mga kasamahan niya sa kanyang serye, bago pa raw ang isyu sa eroplano ay talagang malaki na ang ipinagbago ng aktor. Tsk. Tsk. Tsk.