^

PSN Showbiz

Fans ng Sessionista ipinagluluksa ang pagkawala ni Aiza

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot para sa mga tagahanga ng Sessionis­ta ng ASAP ang pagkawala ni Aiza Seguerra. Ito na nga lang ang natirira sa grupo dahil nawala na nang magbuntis sina Sitti at Juris Fernandez tapos tinanggal pa si Aiza.

Natira na lamang sina Kean Cipriano at Richard Poon na baka hindi makayang itaguyod ang ka­nilang grupo na silang dalawa lang.

Pwede namang palitan ang mga na­wa­la, pero, ganun pa rin kaya ang magiging epekto nito sa mga manonood?

Pinagkakitaan sana beauty at talent ni Bela inisnab ng Kapuso

Napaka-appreciative naman ni Coco Martin sa kanyang asawa sa Ang Probinsyano na si Bela Padilla. Binigyan niya ito ng isang turntable na  may kasamang plaka ng The Beatles na ipinost pa ng aktres sa kanyang Instagram account.

Maganda ang role ni Bela sa nasabing serye. Sabi nga ni Vero, bukod sa maganda ang bagong recruit ng Kapamilya ay maru­nong din itong umarte. Bakit kaya siya pina­ba­yaang makakawala ng GMA?

Kahit ‘di nakadalo, LJ nakasungkit ng Best Actress sa Pacific Meridian Int’l Filmfest

Binabati ko si LJ Reyes na nagwaging Best Actress sa 13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan.

Nanalo ding best director para sa nasabing pelikula si Jun Lana.

Hindi natanggap ni LJ ang kanyang award dahil wala siya sa awards night.

Dahil uli kay Jessy?! JM negatibong-negatibo na naman ang aura

Sayang si JM de Guzman kung totoo ang mga hindi magagandang kuwento sa kanya. Hindi naman siguro ang problema nila ni Jessy Mendiola ang humahatak sa kanya pababa dahil sabi ng mga kasamahan niya sa kanyang serye, bago pa raw ang isyu sa eroplano ay talagang malaki na ang ipinagbago ng aktor. Tsk. Tsk. Tsk.

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ANG

ANG PROBINSYANO

BELA PADILLA

BEST ACTRESS

COCO MARTIN

JESSY MENDIOLA

JUN LANA

JURIS FERNANDEZ

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with