UPLB students, nag-demand ng public apology sa ABS-CBN paghahamon ni JM kay Enrique suportado ng ibang fans!

SEEN: Deleted na ang Instagram post ng paghahamon ni JM De Guzman kay Enrique Gil noong Biyernes nang gabi.

SCENE: Marami ang nakakaunawa sa pinanggaga­lingan ng himutok ni JM De Guzman at sinusuportahan ang hamon niya kay Enrique Gil.

SEEN: Ang mga batikos kay JM De Guzman ng fans nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa paghahamon niya sa nalasing na aktor na bumastos sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola sa London bound plane noong September 4.

SCENE: Nag-trending kahapon ang #ABS­CBNSaySorryToUPLB dahil sa demand ng UPLB Student Council  na humingi  sa kanila ng paumanhin ang Kapamilya Network. Iginiit ng UPLB students na walang katotohanan ang report ng ABS-CBN News  na nag-chant sila ng “trapo” nang maging bisita nila si Vice President Jejomar Binay noong September 15 dahil “sample” ang kanilang isinigaw.

SEEN: Ang bahagi ng open letter ng UPLB Student Council sa ABS-CBN:

“It is insulting and is unacceptable for the part of the Iskolar ng Bayan to be wrongly portrayed by ABS-CBN’s recently published articles. Even though these articles have already been ‘updated,’ it does not deny the fact that ABS-CBN committed acts that are damaging for the students of the UP Los Baños.
“The UPLB University Student Council, the highest governing student institution representing the 12000+ students of the University of the Philippines Los Baños, condemns these acts of unethical journalism that have damaged the credibility of the Iskolar ng Bayan. The USC therefore demands ABS-CBN News & Current Affairs to release a public apology addressed to the students of UP Los Baños for its recent misleading articles and reassure the public of its oath to ethical and responsible journalism.”

Show comments