MANILA, Philippines – Nagsalita na si Tita Susan Roces tungkol sa puna ng ilan sa umano’y ‘di pagiging hinog ng anak na si Sen. Grace Poe na maging pangulo ng bansa matapos itong magdeklara ng intention na kumandidatong presidente last Wednesday night. Naniniwala ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na handa na ang unica hija na pasanin ang mga responsibilidad ng pinakamataas na posisyon sa pamahalaan kung saka-sakali.
Ani ni Tita Swanee, kilala niya ang anak at hindi ito susuong sa isang tungkulin nang hindi ito pinaghahandaan at pinag-isipang mabuti.
Kaya naman todo-suporta ang biyuda ni Da King Fernando Poe, Jr. kay Grace at sa running mate ng senadora na si Sen. Chiz Escudero noong nagdeklara sila ng kani-kanilang kandidatura kamakailan.
“Nakikiisa ako sa damdamin ng aking anak at alam ko na kung anuman yung kanyang susuungin ay pinaghadaan niyang mabuti, pinag-isipan niyang mabuti,” sabi ng respetadong aktres sa isang panayam sa radyo noong magdeklara si Grace sa UP nitong Miyerkules.
At ang dasal ni Tita Swanee para sa kanyang anak ay gawin nito ang makakabuti para sa bansa at mga kababayan.
“Ang aking panalangin ay gabayan siya ng Panginoong Diyos na gawin kung ano ang makabubuti para sa ating bansa at sa ating kapwa Pilipino,” pahayag niya.
Nagpasalamat naman ang Queen of Philippine Movies sa mga taga-suporta ng anak.
Yaya Dub parang magkaka-amnesia raw
Wow, lumampas pa sa 10 million ang tweets ng AlDub fans kahapon para sa unang date nina Alden Richards at Yaya Dub.
At lahat yata ng Kapuso, talagang nagti-tweet and retweet.
Eh naudlot na naman pala ang kanilang date dahil kailangang painumin ng gamot ni Yaya ang kanyang Lola Nidora.
At ang ending may nabanggang kotse. Ang hula ng iba baka raw magka-amnesia si Yaya Dub at malimutan si Alden at doon na niya makikilala ang bagong manliligaw niya. Hahaha. So malaki pa ang kikitain ng telecommunication company sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
Problema sa trabaho may sagot na
Wala ba kayong trabaho? ‘Wag nang mamroblema. Sugod na sa gaganaping The Philippine STAR Career Guide Job Fair sa September 28-29, 2015, from 10:00 a.m. to 5:00 p.m. sa Fairview Terraces Activity Center.
Call center, local and manpower jobs ay mga mapagpipilian ninyong trabaho. Kaya sa mga pa-chill chill lang sa paghahanap ng trabaho sugod na sa Fairview Terraces sa Sept. 28 and 29.