Lolit Solis kinatatakutan ng mga alaga!
Ngayong Sabado na ang simula ng airing ng CelebriTV, ang talk-comedy-magazine show ng GMA 7 hosted by Joey de Leon, Lolit Solis, at AiAi delas Alas with Ricky Lo as the show’s showbiz consultant at magbibigay din ng exclusive interviews sa local at foreign celebrities.
Sa presscon, sinabi na ni Lolit na hindi siya mapipigilan at babati pa rin sa dapat niyang batiin. This Saturday din malalaman kung ano ang kanyang segment dahil tiyak, hindi siya mag-i-interview. Ayaw daw magpa-interview sa kanya ang talents niya sa takot na kanyang ibking at mas pinipiling kay Ricky magpa-interview.
Nalungkot si Lolit nang mawala ang Startalk dahil sabi nga nito na dumating ang show after ng filmfest scam. “Durog na durog ako that time, ang Startalk ang bumuo sa akin. Feeling ko that time namatayan ka, bumalik ang confidence ko at salbahe uli ako after magbait-baitan,” wika ni Lolit.
Si Phillip Lazaro ang director ng CelebriTV na mapapanood pagkatapos ng Wish Ko Lang mula sa GMA Entertainment TV.
Lovi na-inspire maging aktibista
Kabilang si Lovi Poe sa mga nakapanood ng Heneral Luna at gandang-ganda siya sa pelikula lalo na sa akting ni John Arcilla kaya ang aktor na raw ang favorite actor niya ngayon at gusto na ring maging aktibista. Lalo niyang minahal ang director nitong si Jerrold Tarog na director niya sa indie film na Sana Dati.
Na-inspire si Lovi sa Heneral Luna at kung puwede lang, gustong mag-resume ng shooting ng Lakambini. Ikatutuwa nina director Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil ang pangako ni Lovi na ibibigay niya ang puso niya sa Lakambini para lumabas itong magandang-maganda.
Samantala, very proud din si Lovi sa Beautiful Strangers dahil sa positive feedback ng viewers sa drama series. Ang sarap daw ng feeling na nagugustuhan ang soap at marami na ang interesadong malaman ang susunod na mangyayari sa karakter niya.
AlDub magso-shooting na magkasama
Nakakatuwa ang AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil mas excited pa sila sa first date ng dalawa this Saturday. Thursday pa lang ay nag-trending na ang First Date, pero nagpauna na si Jenny Ferre, creative head ng Eat Bulaga ng “Wait hahaha...Don’t expect too much.” Pero ayaw papigil ng AlDub fans at tina-target nila ang 10-M tweets this Saturday para sa first date ng kanilang mga idolo.
Tweet ni Alden “Excited na ako!!! Prepare pa more!!!” at si Maine naman ay pinost ang exchange of tweets nila ng kanyang ama. Sabi ni Maine, may date sila ni Alden sa Sabado at pumayag na si Lola Tinodora. Sagot daw ng ama ni Maine “Actingan lang yun noH...true to life ba yon.” Pati siblings ni Maine gustong sumama sa date, paano ba ‘yan?
Nag-first day shooting na pala kahapon si direk Joey Reyes ng My Bebe Love, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na kasama sa cast sina Alden at Maine. Dahil magkakaroon na ng interaction ang AlDub, puwede na silang mag-shooting.
Anyway, muling ipalalabas ng GMA 7 ang Ilustrado, ang serye na tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal na pinagbidahan ni Alden.
- Latest