Silong nina Piolo at Rhian hindi naka-P1-m sa opening day!

Rhian at Piolo

Nakakalungkot naman na hindi umabot sa P1-M ang first day gross ng indie film nina Piolo Pascual at Rhian Ramos na Silong. Yup, you read it right.

As of Thursday, ang kuwento ng isang source, P600-K lang daw ang kinita nito sa unang araw sa mga sinehan.

Sadness naman. Bigay na bigay pa naman ang dalawa sa kanilang love and bed scenes tapos ‘yun lang.

Kung sabagay, may pagka-weird ang story ng pelikula. Hindi ordinary ang mga twist ng character nila.

Pero at least kakaiba, so puwede pa ninyong habulin sa mga sinehan dahil palabas pa naman.

Besides, maliit lang naman ang puhunan dito dahil indie lang at medyo matagal nang ginawa.

Direk Bobot dinagdagan ang pagiging nega ni Kathryn

Bakit kaya hindi na lang nagsumbong si Direk Bobot Mortiz kay Madam Charo Santos-Concio para pagalitan si Kathryn Bernardo dahil hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan matapos siyang isnabin sa ginanap na Star Magic Ball? Sa Goin’ Bulilit nag-umpisa si Kathryn at si Direk Bobot ang utak sa nasabing programa.

Tutal naman daw ay sister-in-law niya si Madam Charo (sister ni Ms. Charo ang wife ni Direk Bobot) kesa nag-emote pa siya ng pa-blind item sa Facebook account na ang dali-dali naman hulaan kung sino ang pinatatamaan kaya madaling-madali niya itong malalapitan.

Ang punto ng ilang showbiz observer, ano pa ang silbi ng pagiging ‘magkaka-pamilya’ kung hindi puwedeng pag-usapan sa maayos na paraan.

Ayan nga raw at niraratrat na si Kathryn, nakisali pa si Direk.

Prime artist naman daw ng ABS-CBN at resident director na siya sa Dos, so hindi ba raw puwedeng sila na lang ang mag-resolba sa pang-iisnab ng young actress na maraming gustong mag-donate ng contact lens dahil baka naman daw malabo na ang mata?

Ayan tuloy, nadagdagan daw ang pagiging nega ni Kathryn na nadadamay pa si Daniel Padilla.

Anyway, baka naman may ibang pinaghuhugutan si Direk kaya hindi niya napigil ang inis sa Teen Queen ng Kapamilya Network?

Kahit sky is the limit daw sana ang talent fee aktres tumangging mag-endorso ng presidentiable

Tumanggi ang aktres na mag-endorso ng isang presidentiable.

Ang offer daw sa sikat na aktres, sky is the limit na talent fee. Pero hindi raw nasilaw ang actress na TV host din sa offer ng male presidentiable.

Ang dialogue raw ni aktres, ikakampanya niya ang gusto niya pero hindi siya magpapabayad, ayon sa source.

So obvious na hindi ang nasabing presidentiable ang choice ni actress/TV host.

Grabe ang daming datung ni presidentiable ha. Kung pumayag ang actress, tiyak na payat ang P10-M dahil sa kanyang status.

Kaya sa ating mga boboto, maging wais tayo ha. ‘Wag pa-easy get. Mag-isip-isip.

Kaya goodluck to us.

Show comments