Awww... Yaya Dub aminadong acting lang ang ginagawa ni Alden!

PIK: Tila totohanan na ang tuksuhan kina Alden Richards at Maine Mendoza pagkatapos nilang i-celebrate ang 2nd monthsary nila sa Eat Bulaga nung kamakalawa lang.

Sinasabi ni Tito Joey de Leon na mukhang iba na ang tinginan nilang dalawa, pati si Bossing Vic Sotto ay nagbiro rin na baka maunahan pa raw sila ni Pauleen Luna sa pagpapakasal.

Pati mga kapatid ni Yaya Dub ay nagbibiruan na sa kanilang Twitter accounts na magpaalam na raw si Alden sa Tatay nila.

Sinaway naman sila ni Yaya Dub na aktingan lang ang ginagawa nila ni Alden.

PAK: Nagsampa pala ng Temporary Protection Order si Jean Saburit sa dating American boyfriend niyang si James Andrew Jackson.           

Pagkatapos magsalita ni Jackson sa media tungkol sa isinampang kaso laban kay Jean, kaagad na nag-file pala ang aktres ng TPO.

Sobrang na-trauma raw siya sa ginawa sa kanya ng dating karelasyon kaya nag-request daw ito ng TPO sa korte.

Sasagutin ito ng kampo ni Jackson, dahil hindi naman daw sila threat sa buhay ng aktres. Ang tanging hinihingi nila ay ibalik ni Jean ang perang ibinigay sa kanya ni Jackson.

BOOM: Suportado ng karamihan sa showbiz ang kandidatura ni Grace Poe.

Ilan sa namataan naming dumalo sa proclamation ni Sen. Poe sa Bahay Alumni sa UP ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel, Boots Anson-Rodrigo, Rez Cortez, Tirso Cruz III, at ilan pang pulitikong susuporta sa senador.

Napapag-usapan na rin sa showbiz ang iba pang susuporta sa kandidatura ni Sen. Poe na ang iba ay identified kay P-Noy.

Pinag-uusapang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay susuporta kay Poe. Pero hindi lang daw muna dumalo sa proclamation.

Naririnig ding susuporta rin daw ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na all-out din ang suporta dati sa ating pangulo. Pero bakit hindi si Sec. Mar Roxas ang susuportahan nila?

Totoo bang pati si QC Mayor Herbert Bautista ay lilipat na rin kay Poe?

Pawang haka-haka pa lamang iyon. Kaya abangan na lang natin sa tamang panahon.

Show comments