MANILA, Philippines – Nagsimula na ang UAAP season at ang lahat ay hindi lang tutok sa mga manlalaro kundi pati na rin ang mga courtside reporter ng bawat eskwelahan na mas kikilalanin ngayong Huwebes (Sep 17) sa Sports U.
Tunghayan ang panayam ni Dyan Castillejo kina Laura Lehman ng Ateneo, Jeanine Tsoi ng De La Salle, Ira Pablo ng NU, at Nina Alvia ng UP habang sila ay nag-e-ehersisyo.
Bukod sa mga reyna ng hardcourt, kilalanin din ang Pinoy tennis star na si Filipino Nino Alcantara, na pang-17 sa buong mundo base sa talaan ng International Tennis Federation. Siya ang highest-ranking Filipino tennis player sa kasaysayan ng bansa at siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nakamit ang isang Grand Slam na panalo ng maging kampeyon siya at ang partner na si Hsieh Cheng-peng sa 2009 Australian Open Boy’s Doubles event. Ang Pepperdine alum ay naglaan ng oras sa Sports U para lang ibahagi ang kwento ng kanyang napiling karera at kung paano niya ito nakamit.
Si Johan Santos naman ay ipapasilip sa mga kamera ng Sports U ang kanyang training regimen para sa kanyang magandang pangangatawan.