Supporters ni Sen. Grace hindi natinag ng ulan!

Kahit umulan, dumagsa kahapon sa UP Bahay Alumni ang mga supporter ni Senator Grace Poe dahil excited sila na malaman ang announcement ng bet nila para maging next president ng Pilipinas.

Siyempre, waiting din ang fans sa mga artista na susuporta sa kandidatura ni Mama Grace.

Kabilang si Senator Tito Sotto sa mga personalidad na unang nagpahayag ng suporta kay Mama Grace.

Hindi mawawala sa listahan ng mga supporter si Heart Evange­lista, ang asawa ni Senator Chiz Escudero na best friend ni Mama Grace.

May mga nagtatanong nga pala sa significance ng September 16 dahil ito ang pinili ni Mama Grace na petsa ng important announcement niya. Wala akong maisip na dahilan maliban sa 2016 ang presidential election kaya September 16 ang choice ng anak nina Susan Roces at Fernando Poe, Jr.

Sen. Chiz tatapusin na rin ang mga haka-haka

Ngayon naman natin malalaman ang political plans ni Papa Chiz sa 2016. Ihahayag niya ang kanyang mga plano sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.

Matagal nang bulung-bulungan na si Papa Chiz ang running mate ni Mama Grace at ngayong umaga, tatapusin na ng mister ni Heart ang mga haka-haka.

Ryzza Mae star na star ang aura

Shining, shimmering, and splendid si Ryzza Mae Dizon sa gown na suot niya sa grand presscon ng Princess in the Palace noong Martes.

Star na star si Ryzza Mae at may reason bilang siya ang lead star ng Princess in the Palace, ang teleserye ng TAPE, Inc. at APT Entertainment.

Ang Princess in the Palace ang birthday gift kay Ryzza Mae ng TAPE Inc. sa 10th birthday niya noong June 12, 2015.

Tony Tuviera may personal touch ang Princess in the Palace

Hindi na kami nagpang-abot ni Mr. Tony Tuviera sa presscon ng Princess in the Palace dahil nag-babu agad ako.

Si Papa Tony ang producer ng teleserye ni Ryzza Mae at ang anak niya na si Mike ang direktor.

Suportadung-suportado ni Papa Tony ang Princess in the Palace dahil nagbibigay rin siya ng inputs para sa lalong ikagaganda ng programa.

Mahilig pala si Mike sa mga kuwento na may kinalaman sa buhay ng mga presidente ng bansa kaya inspired na inspired siya sa bagong teleserye project niya.

‘Pipi’ pa rin, Yaya Dub ipinagpasalamat ni Alden

Ipinagdiwang kahapon sa Eat Bulaga ang 2nd monthsary ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub

Touched na touched sina Alden at Yaya Dub dahil sa fans na nagpadala ng mga anniversary cake.

Ganyan na katindi ang paghanga ng fans sa AlDub loveteam dahil bukod sa mga cake, nagbigay din sila ng personal gifts kina Alden at Maine.

Ramdam na ramdam ang sincerity ni Alden nang pasalamatan nito ang lahat ng mga sumusuporta sa loveteam nila ni Maine.

Kung anim na milyon daw ang tweets tungkol sa AlDub, anim na milyon din ang bilang ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik sa loveteam nila.

Si Alden din ang nagpasalamat para kay Yaya Dub na hindi pa rin puwedeng magsalita at idinadaan na lang sa mga fansign ang kanyang mga mensahe.

Show comments