^

PSN Showbiz

John Lloyd rubbing elbows sa hollywood star sa Toronto Filmfest

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umalis pala si John Lloyd Cruz kinabukasan matapos ang Star Magic Ball noong Sabado ng gabi. Lumipad siya kasama ang producer ng pelikula niyang Honor Thy Father na si Dondon Monteverde at Direk Erik Matti para dumalo sa Toronto International Film Festival.

Ang pelikulang ito ay mula sa gumawa ng On The Job na pinagbidahan nina Gerald Anderson and Piolo Pascual na nakasali rin sa iba’t ibang international filmfest.

“Honor Thy Father is many things: a suspenseful story of betrayal and retribution, a drama about familial reconciliation, and a commentary on the tenuous nature of newfound wealth,” pahayag ni Steve Gravestock ng TIFF.

Kinilala rin umano ni Gravestock ang husay ni Direk Erik Matti kasama si John Lloyd.

“Holding everything together are Matti’s fluid, skilled direction and the tightly wound performance by Cruz, whose Edgar — disgusted by the greed and hypocrisy he encounters — seems always on the verge of exploding,” dagdag pa nito.

Bukod pa rito, pinuri rin pala ng The Hollywood Reporter ang ipinakitang koneksyon ng katotohanan tungkol sa “kahirapan, pamilya at simbahan” sa kabuuan ng pelikula.

“…Honor Thy Father seems more mordantly sarcastic with every passing minute in Filipino director Erik Matti’s portrait of a man beset by his devout wife’s Daddy issues – not just with her own crooked father but with the God to whom she and her affluent friends are hysterically devoted. Returning to the same genre territory as his 2013 On The Job, which bowed in Director’s Fortnight at Cannes, after recent forays into horror – including a segment in anthology film The ABCs of Death 2, alongside filmmakers like Rodney Ascher and Vincenzo Natali – Matti again shows himself a dab hand at excavating the fault lines extending across his country’s social and economic demarcations.”

Sa direksyon ni Direk Erik Matti at sa panulat ni Michiko Yamamoto, kasama rin sa Honor Thy Father sina Meryll So­riano at Tirso Cruz III. Kinailangang magpakalbo ni John Lloyd sa pelikulang ito.

Wala pang balita kung kailan ito ipalalabas sa bansa.

Teka naka-rubbing elbows kaya ni John Lloyd sa TIFF ang Hollywood actress na si Penelope Cruz na dumalo sa nasabing filmfest para i-promote ang kanyang album na Ma Ma last Tuesday?

Heneral Luna P80 million ang puhunan, pero P3-M lang ang kinita sa opening day

Grabe ang laki pala ng puhunan ng pelikulang Heneral Luna na kasalukuyan pang palabas sa ilang piling sinehan. Ayon sa isang source, tumataginting na P80-M daw kaya naman lumabas na maganda ang pelikula. Kaya lang ang siste, P3-M lang daw ang kinita nito sa opening day.

Pero kahapon ay nakita ko sa social media na pinipilahan na ito sa ilang sinehan dahil sa ‘kampanya’ ng marami na panoorin ang pelikula dahil nakakahiyanayang na palampasin.

Kasama ang mag-partner na Arnold Clavio at Ali Sotto ng DZBB sa ‘nakikiusap’ na panoorin naman ang pelikula dahil bibihira lang ang ganitong klase.

ACIRC

ALI SOTTO

ANG

ARNOLD CLAVIO

DIREK ERIK MATTI

DONDON MONTEVERDE

ERIK MATTI

HENERAL LUNA

HONOR THY FATHER

JOHN LLOYD

ON THE JOB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with