JaDine at AlDub magsasalpukan sa Pasko

Ngayong September 18 ang simula ng shoo­ting ng My Bebe Luv (#Kiligpamore) na pagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas at kung saan makakasama diumano ang pinakamainit na love­team ngayon, ang AlDub nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Ang nasabing pelikula ang isa sa walong entries ng dara­ting na Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito’y nakatakdang idirek ni Joey Javier Reyes na kung hindi kami nag­kakamali ay first time na makakatrabaho pareho nina Vic at AiAi.

Dahil bentahe ang pagkakasali nina Alden at Maine sa Vic-AiAi movie, isinama naman ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre sa Vice Ganda-Coco Martin movie kung saan kasama rin ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.

Sa loob ng dalawang taon ay nasira ni Vice Ganda ang track record ng Vic Sotto-starrer sa Metro Manila Film Festival sa pagiging number one sa takilya kaya muling magiging matindi ang laba­nan ng respective movies ng dalawa.

Ang Vic-AiAi movie at ang Vice Ganda-Coco film ay hindi lamang kumpetis­yon sa number one slot ng MMFF kundi kumpetisyon din ng dalawang major TV networks – ABS-CBN at GMA.

Ang film arm ng ABS-CBN na Star Cinema in co-production with Viva Films ang producers ng Beauty and the Beastie nina Vice Ganda at Coco habang ang OctoArts Films, M-Zet Productions, APT Entertainment, at GMA Films naman ang producers ng My Bebe Luv (#Kilig­pamore).

Ang box-office director na si Wenn Deramas ang director nila Vice.

Ellen ‘sinira’ ang Star Magic Ball

Gaano man ka-successful parati ang isinasagawang annual Star Magic Ball ng ABS-CBN, parati itong nababahiran ng kontrobersiya dahil na rin sa kagagawan ng iba nilang mga contract stars na walang control sa mga sarili kapag nakakainom.

Nakainom at “nagwala” umano ang ka-date at kapareha ni Ejay Falcon sa Pasion de Amor na si Ellen Adarna na sandaling nag-disappear kasama si Paulo Avelino.

Behaved naman that night si Enrique Gil na bago ang Star Magic Ball ay na-involve rin sa isang kontrobersiya dahil sa sobrang kalasingan nito sa loob ng eroplano on their way to London kasama ang ibang Kapamilya stars.

Pero over-all ay parating mata­gumpay ang isinasagawang Star Magic Ball at well-attended parati hindi lamang ng top executives at talents ng ABS-CBN, kundi ma­ging ng ibang mga artista na may gi­na­gawang projects sa Kapamilya Network.

At kapag nalalapit na ang Star Magic Ball, peak season naman ito ng iba’t ibang kilalang fashion designers na siyang in demand sa paggawa ng iba’t ibang kasuotan tulad nina Rajo Laurel, Michael Cinco, Pepsi Herrera, Joey Samson at iba pa.

Show comments