AiAi ‘wag sanang sumuko sa ama ni Jiro

Sana hindi sukuan ni AiAi delas Alas ang pagtulong kay Jiro Manio. Pumunta ito ng Japan, pero hindi nakita ang Japanese father ng batang aktor na ipinare-rehab niya sa kasalukuyan.

Limitado ang panahon niya dahil marami siyang trabaho rito.

Sana hindi ito maging dahilan para sukuan niya si Jiro.

Glaiza hindi inasahan ang solo concert

Wala sa plano ni Glaiza de Castro ang pagdaraos ng concert sa taong ito, pero bigla-bigla na lang daw nagkaro’n ito ng pagkakataon dahil sa clamor ng kanyang fans. Kaya sa Oct 3. Ay mapapanood na siya sa Music Museum.

Vina deserve na deserve na magka-BF

May lovelife na si Vina Morales sa katauhan ng isang French guy na ipinakilala sa kanya ni ex-Gov. Chavit Singson. Kaedad niya ito at napa­karesponsable.

Dito na nakabase ang lalaki at paalis-alis lamang ng bansa at bago pa lamang ang relasyon nila ng aktres.

Binabati ko si Vina dahil talagang deserve niya ang isang matinong lalaki para makasama sa buhay. Congrats, Vina!

Show comments