Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo sa presscon kahapon ng CelebriTV, ang showbiz talk show namin nina Joey de Leon, AiAi Delas Alas, at Papa Ricky Lo na magsisimula sa Sabado, September 19.
Sa true lang, overwhelmed kami sa paulit-ulit na pagpapakita ng GMA 7 sa teaser plug ng CelebriTV.
Feel na feel ko ang pagiging Kapuso at ang suporta sa amin ng GMA 7 dahil every gap ng mga primetime teleserye ang showing ng teaser ng CelebriTV noong Martes.
Ipinapangako namin na hindi magsisisi ang mga maghihintay at susubaybay sa aming programa tuwing Sabado dahil kakaiba at nakakaloka ang concept ng CelebriTV. Ito ang tipo ng showbiz talk show na gigimbal sa televiewers at gagayahin ng ibang mga programa.
Ryzza Mae sabik umiyak
Halos magkasabay kahapon ang presscon ng CelebriTV at ng The Ryzza Mae Show Presents Princess in the Palace, ang teleserye na tinatampukan ni Ryzza Mae Dizon na nag-level up na dahil ipapamalas niya ang kanyang talent sa drama.
Excited na si Ryzza Mae sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang teleserye na pinagbubuhusan niya ng atensyon at panahon.
Ang tapings ng Princess in the Palace ang reason kaya limitado ang paglabas ni Aling Maliit sa Eat Bulaga.
Siyempre, invited ako kahapon sa presscon ng Princess in the Palace kaya tulad ko, naglagare rin ang entertainment reporters sa mga presscon ng CelebriTV at ng coming soon teleserye ni Ryzza Mae.
AlDub totohanan na ang kissing scene
Umeere na kahapon ang bagong TV commercial nina Alden Richard at Maine Mendoza sa Eat Bulaga.
As expected, kinilig na naman ang milyun-milyong fans ng AlDub dahil maganda ang pagkakagawa ng bagong television commercial nina Alden at Yaya Dub para sa isang telecommunication company.
Poging-pogi si Alden sa TV ad nila ni Yaya Dub at marami ang muntik nang maniwala na totohanan ang kissing scene nila. Siyempre, hindi pa rin nagkita ang dalawa sa kanilang second television ad.
Vanessa Williams ginamit para pag-usapan ang Miss America?!
Nag-sorry sa American singer-actress na si Vanessa Williams ang organizer ng Miss America dahil pinilit siya na mag-resign at i-give up ang kanyang korona noong 1984 nang ilabas ng isang men’s magazine ang mga nude photo niya.
Thirty-two years na ang nakalilipas mula nang mangyari ang eskandalo na nakatulong pa nga para gumanda ang showbiz career ni Vanessa.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mag-resign siya, umapir at nag-perform si Vanessa sa coronation night ng Miss America 2015 noong September 13 at dito nag-apologize sa kanya ang CEO ng Miss America.
Halos maluha si Vanessa sa narinig dahil hindi niya inaasahan ang public apology ni Miss America CEO Sam Haskell.
“I have been a close friend to this beautiful and talented lady for 32 years. You have lived your life in grace and dignity, and never was it more evident than during the events of 1984 when you resigned.
“Though none of us currently in the organization were involved then, on behalf of today’s organization, I want to apologize to you and to your mother, Miss Helen Williams.
“I want to apologize for anything that was said or done that made you feel any less than the Miss America you are and the Miss America you always will be.”
Kasama ni Vanessa sa Miss America coronation night ang kanyang madir na si Helen na pinakamaligaya sa lahat dahil dinamdam niya noon nang todo ang unforgettable experience ni Vanessa.
Umeksena naman ang former beauty queen na successor noon ni Vanessa. Nag-dialogue ang bitter na ex-beauty queen na nag-sorry lamang ang Miss America Organization kay Vanessa, alang-alang sa ratings ng programa.