Mga taga-Guinness darating para sa premiere night ng Felix…

Dennis bilang Felix Manalo

MANILA, Philippines – Malamang daw na hindi lang isa ang darating na representative ng Guinness Records United Kingdom para sa premiere night ng pelikulang Felix Manalo ng Iglesia ni Cristo.

Ayon sa source, interesado ang mga opisyal ng Guinness na personal na saksihan ang premiere night ng pelikula na gaganapin sa Philippine Arena na ang capacity ay 55,000.

Nag-set up din daw kasi ang Viva Films ng pinakamalaking screen na kapantay ng limang building. Yup, super higante raw ang nasabing screen na ngayon pa lang ay inihahanda na.

Naka-schedule ang premiere night sa October  4 at ayon sa balita, nag-uunahan ang mga miyembro ng INC na mapanood ang pelikula na pinagbibidahan ni Dennis Trillo at idinirek ni Joel Lamangan.

Halos tatlong oras daw ang haba ng Felix Manalo, ang kuwento tungkol sa buhay ng unang executive minister ng INC.

Six hours ang original na haba nito pero kailangan daw nilang putulan. Pero ang mga eksena naman daw na hindi makakasama sa pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan nationwide on October 7 ay isasama sa DVD version nito ayon sa isang Viva insider para mapanood pa rin ng buo ang buhay ni Felix Manalo mula sa kapanganakan hanggang sa pagkamatay nito.

Mahigit 100 stars din ang bumuo sa cast ng Felix Manalo at gumamit naman daw si Direk Joel ng mahigit 8,000 extras sa malalaking mga eksena na kinunan sa Laguna, Binondo, Subic, at Bataan.

Hindi rin nila tinipid ang production at nag-construct sila ng set kaya naman ito na umano ang pinakamahal na pelikulang Tagalog na nagawa ayon sa isang Viva insider.

Yassi dala-dalawa ang pelikula

Mukhang oras na ni Yassi Pressman.

Hindi lang kasi isa o dalawa kundi tatlo ang malalaking project na ginagawa niya.

Nag-umpisa si Yassi sa Diary ng Panget, at since then ay tumatak na rin ang pangalan niya bukod pa sa lumutang din kasi ang husay niya sa kantahan at sayawan.

Sa kasalukuyan ay out na ang kanyang self-titled debut album sa  iTunes and Spotify. The 6-track record mostly features Yassi in her Princess of the Dancefloor mode, ang title ay idinikit sa kanya dahil sa kanyang excellent dancing skills na ipinakita niya bago pa man nagka-album.

Ka-duet niya sa first single na Hush si Nadine Lustre, co-star niya sa Diary ng Panget. Included din ang Diary soundtrack hit na ‘Di Ko Alam with co-star and love team Andre Paras, and her current single Lala, Yassi stakes her claim as pop music’s new rap princess too. The album boasts a new duet between Yassi and Andre na mas kilalang Yandre, sa Dahil Sa ‘Yo.

Ang second biggest project ni Yassi ay ang onscreen reunion nila ni Andre. The movie is called Wang Fam na ang box-office  director na si Wenn Deramas ang may hawak. The title is short for Aswang Family and Yassi stars as the unsuspecting girlfriend of Andre who is a member of the totally human-friendly and kind-hearted if crazy Wang fam. Starring din sa movie si Pokwang, Andre’s real-life dad Benjie, and new showbiz child wonder Alonzo Muhlach. Palabas ito sa November.

Susundan ito ng kanyang launching film with Andre pa rin base sa hit romcom novel Girlfriend For Hire, which is one of the biggest hit stories on Wattpad with XX million reads.

Ang award-winning veteran writer-director Joey Reyes na nagpasikat sa Pare Ko and Kasal, Kasali, Kasalo fame ang magha-handle and overseen by Diary ng Panget director Andoy Ranay as creative producer. Nagsu-shooting na sila at naka-schedule umano itong ipalabas sa mga sinehan early next year pa.

At isama pa na regular siyang VJ ng MTV Pinoy.

So siya na ba ang susunod kay Nadine Lustre na isa sa hottest Kapamilya stars with James Reid?

Pacman magre-referee sa Miss Global International

Sa bansa pala gaganapin ang Miss Global International matapos magwagi sa bidding ang PSL Productions na pag-aari ni Pauline Sofia Laping, CEO and National Pageant Director ng Miss Global Philippines.

Mahigit 40 candidates mula sa buong mundo ang darating sa second week of October para sa nasabing competition kaya may pagkakataon na naman tayong ipakita ang ating genuine hospitality.

Pero ang interesting sidelight ng event ay ang gaganaping Battle of Talent on October 20 na ang host ay si Congressman Manny Pacquiao. Yup, si Pacman ang host at magre-referee sa tagisan ng talent ng mga kasali sa gaganaping Mss Global International.

Dadalhin din ang mga kandidata sa isang week long activity sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama na ang gaganaping swimsuit competition sa Caramoan na ang magho-host naman ay si Gov. Migz Villafuerte.

Ginanap ang 2nd Miss Global Philippines two nights ago lang sa Resorts World Manila na napanalunan ni Ms. Candice Ramos ang korona. Nag-uwi si Ms. Candice ng P300,000 cash. Dating Miss Earth runner-up si Ms. Candice bago siya nag-decide na mag-join sa Miss Global Philippines. Pero aminado siyang hindi siya puwede sa Binibining Pilipinas dahil nag-pose na siya para sa isang men’s magazine. Nakatsika namin ang bagong beauty queen na hindi naitanggi na pulitiko na kamag-anak ni ex-Gov. Chavit Singson ang madalas niyang ka-date. Twenty eight years old na si Candice pero sa Miss Global naman daw kasi, puwede hanggang 40 years old. Tumatanggap din ang pageant ng may anak na contestant.                                         

Show comments