Princess hindi kinayang mag-doktor sa Amerika

Taong 2005 nang manirahan sa Amerika ang ak­­tres na si Princess Punzalan with her American hus­band na si Jayson Field, isang marketing pro­fessional at dating commercial attaché ng U.S. Embassy.

Sa loob ng sampung taong pamimirmihan sa Ame­rika with her husband, maraming natutunan si Prin­cess, mga bagay na hindi na ginagawa noong narito pa siya sa Pilipinas. Ang nakakatuwa pa, simple ang kanyang pamumuhay doon ng walang pu­mapansin sa kanya sa mga lugar na kanyang pi­nu­puntahan.

Una siyang namasukan sa isang restaurant in New York. Siya bale ang tumatanggap ng mga tawag for delivery. Nang sila’y mag-relocate sa Sta. Monica in California, doon nag-desisyon si Princess na bumalik sa pag-aaral.

Gusto sana niyang kumuha ng medicine pero aabot siya ng twelve years kaya nursing na lamang ang kanyang kinuha at isa na siyang registered nurse sa Amerika at nagta-trabaho na siya sa isang hospital doon. Pero nang magkaroon ng anak sina Jayson at Princess, si Hellie, nag-decide si Princess na tu­wing week-ends na lamang siya mag-work kapag ang mister naman niya ang walang trabaho kapag week-ends para ito ang nag-aalaga sa kanilang anak.

Ayon kay Princess, wala umano siyang masasabi sa kanyang mister na napakabait at napaka-supportive.

Enrique biktima ng tradisyonal na gulo sa Star Magic Ball?

Ayaw magpaawat ng mga fans ni Enrique Gil at si Jessy Mediola pa ang naba-bash bagay na hindi kayang palagpasin ng ina ng aktres na si Didith Garvida na nagbantang idedemanda si Enrique kapag hindi tumigil sa pamba-bash ang mga fans nito laban sa kanyang anak  (Jessy) na siya ngang na-agrabyado sa sitwasyon.

Samantala, coincidence lang kaya na sa tuwing may Star Magic Ball o di kaya nalalapit sa nasabing annual event ay may nangyayaring gulo o matinding kontrobersiya na kinasasangkutan mismo ng mga Kapamilya talents.

Take the case noon nina Matteo Guidicelli at Coco Martin na nagkasuntukan dahil lamang sa selos ni Matteo na ang girlfriend pa noon ay si Maja Salvador at ito’y nangyari sa labas ng Star Magic Ball.

After the Star Magic Ball din ang gulong kinasangkutan ng nobyo ni Coleen Garcia na si Billy Crawford dahil din sa sobrang kalasingan at ilang araw bago ang Star Magic Ball ay si Enrique Gil naman ang naging sentro ng kontrobersiya dahil din sa kalasingan sa loob ng eroplano.

Show comments