Game of Thrones star na si Nathalie Emmanuel, darating sa bansa! Jessy inuudyukang ituloy ang demanda kay Enrique
SEEN: Nagamit si Liza Soberano sa public apology ni Enrique Gil dahil puwedeng hindi na siya kasama sa video ng paghingi ng paumanhin ng aktor na nalasing at gumawa ng eksena sa London flight noong September 4.
SCENE: Hinahanapan ng paliwanag ang crew ng Philippine Airlines dahil hindi nila ni-report ang unruly behavior ni Enrique Gil sa London flight. Pinagbibintangan ang airline crew na binigyan ng special treatment si Enrique dahil mga dating empleyado ng PAL ang kanyang mga magulang.
SEEN: Inuudyukan ang nanay ni Jessy Mendiola na ituloy ang demanda nila laban kay Enrique dahil patuloy na hina-harass ang kanyang anak ng fans ng aktor. Masakit sa kalooban ng ina ni Jessy na binastos na nga ang anak niya, ito pa ang kinukuyog at sinisiraan ng blinded fans ni Enrique.
SCENE: Nasaktan si Alden Richards nang pagkaguluhan at dumugin ng fans sa mall show niya sa isang bayan sa Cavite noong Biyernes. Imbes na ma-guilty sa kanilang ginawa, nagsalita ang mga nanggigil na fans na hindi naman nila kakainin si Alden.
SEEN: Ang attempt na siraan si Maine Mendoza dahil sa reklamo na suplada siya sa fans na hindi nagtagumpay at kabaligtaran ng kumalat na video na siya mismo ang nakiusap sa Eat Bulaga security personnel na payagan ang mga tagahanga na makalapit sa kanya.
SCENE: Dapat alagaan ng direktor na si Dominic Zapata ang mga anggulo ni Megan Young sa MariMar dahil may mga unflattering shot ang former Miss World na kontra sa very telegenic at nagmumura na kaguwapuhan ni Tom Rodriguez sa mga eksena nito.
SEEN: Malaki na ang improvement ng acting ni Albie Casiño sa On The Wings of Love at bagay sa kanya na palaging ngumingiti sa mga eksena niya sa top rating teleserye nina James Reid at Nadine Lustre.
SCENE: Darating sa Pilipinas ang Game of Thrones star na si Nathalie Emmanuel dahil special guest siya sa 1st AsiaPop ComiCon Manila na gaganapin sa World Trade Center sa September 17-20.
- Latest