Magaganda ang mga istorya na nakapaloob sa mga sumasali sa Starstruck na kung maririnig natin ay talagang pinag-iinteresan na makita’t malaman kung sino sila at ano ang pinanggalingan nila.
Pero napapanood n’yo na ba ang Starstruck? Hindi? Naku, sayang naman dahil maraming mahahalagang leksyon kayong matututunan at siguradong mai-inspire kayo sa mga kabataang sumasali rito. Bukod pa siyemre sa kung sino ang mapipili sa dulo.
ABS-CBN dapat nang pagsabihan ang mga artista
Kapag hindi naipaliwanag nang mabuti ng ABS-CBN ang naging away ng mga artista nila sa eroplano habang pauwi ang mga ito mula sa London para sa ASAP ay siguradong may mapektuhan nang labis.
Kailangang pag-aralan nang mabuti ng network ang kanilang sasabihin at kanilang gagawin. Kailangan siguro nilang pagalitan, pangaralan, at pagsabihan ang mga artista nila na kung hindi man nalululong sa pag-inom ay umaabot na ang kasikatan sa kanilang mga ulo.
Heart tuturuang magpinta sa mga bag si Regine
Mukhang magiging makabuluhan ang gagawing paggi-guest ni Heart Evangelista-Escudero sa Sarap Diva program ni Regine Velasquez-Alcasid. Akalain mo, hindi pagluluto ang aasikasuhin nila. Tuturuan ni Heart na magpinta sa mga Hermes ang Songbird.
Puwede itong gamitin ni Regine sa ibang brands ng bag kung gugustihun niya kapag natuto siya. Magandang kaaliwan na ito ay maganda pa ring negosyo. Ipagpatuloy n’yo ‘yan.