Paulo at Jasmine nilinaw na ang naging relasyon!

Nabuksan ang isyung minsang na-link sina Paulo Avelino at Jasmine Curtis-Smith sa presscon ng Resureksyon. Naalala naming noong kainitan ng isyung may relasyon daw ang dalawa, tinawag pang third party si Jasmine sa breakup diumano nina Paulo at KC Concepcion.

Nilinaw ng dalawa sa presscon na purely friend­ship at bilang co-worker lang ang paglabas-labas nila dati at bonding after ng shooting.

Parehong malalim sina Paulo at Jasmine kaya siguro nag-klik, kaya lang, naka-focus ang dalaga sa trabaho at ayaw munang magkarelasyon. Alam daw ito ni Brian Poe Llamanzares at ng ibang nagpaparamdam sa kanya.

Anyway, showing sa September 23, ang Resureksyon sa direksyon ni Borgy Torre III at co-produced ng Regal Entertainment ni Mother Lily at Reality Entertainment ng anak nitong si Dondon Monteverde.

Samantala, mapapanood na sa September 14, sa TV5 ang rom-com series na My Fair Lady na pinagbibidahan ni Jasmine kasama sina Luis Alandy at Vin Abrenica. Ibang karakter naman ang ma­papanood sa kanya sa tele­bisyon.

Isang MMFF official entry, magba-back out!

Tama ba ang nasagap namin na baka mag-pullout ang isa sa entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015? Hindi nagbigay ng rason ang nagkuwento nito at dagdag pa, kundi man mag-pullout sa filmfest, ay baka mapalitan ang leading man nito. Wala ring maibigay na rason ang aming kausap at suhestiyon nito’y, makiramdam na lang kami.

Ang alam namin, nagsimula nang mag-shooting ang pelikulang sinasabing baka mag-pullout o kaya’y magpa­lit ng leading man. Na-post pa nga sa Instagram (IG) ng mga bida ang still picture nila habang nagsu-shooting.

Sayang naman kung hindi na matutuloy ang pelikula sa MMFF na hindi man mag-number one sa box-office, feeling namin ay kikita pa rin ng malaki dahil gusto ng moviegoers ang tema ng story. Malaking panghatak din sa tao ang dalawang bida na ngayon lang magtatambal.

Boobsie ni Andrea kinaiinggitan

Dapat nga talagang kainsekyuran si Andrea Torres sa kanyang 36(cup D)-24-36 stats na puro natural at walang ipinaretoke. Sabi pa nito, lahat ng babae sa family nila ay boobsie.

Anyway, ang kaseksihan ni Andrea ay buong layang makikita nang paulit-ulit sa ilalabas ng Rawr Books na Andrea: Road Trip, ang photo book na may 100 pages at iba’t ibang sexy photos na kuha ni Jay Tablante for only P195. May book signing si Andrea sa September 19, 2:30 p.m., during the Manila International Book Fair sa SMX Mall of Asia Complex.

Kuwento ni Andrea, nag-enjoy siya sa two-day pictorial nila ni Jay dahil para lang silang naglalaro, hindi gumamit ng ilaw ang fotog, kaya natural beauty ni Andrea ang makikita sa mga litrato.

Hindi na kailangang bumili ng copy ng nababalitang boyfriend niyang si Sef Cadayona dahil bibigyan siya ni Andrea at ang isusulat daw niyang dedication ay “Juan Tamad (karakter ni Sef sa Juan Tamad) ‘wag tatamad-tamad, buksan ang magasin.”

Show comments