MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Vic Sotto na hindi suportado ng kaniyang mga kamag-anak at mga anak ang nalalapit niyang pagpapakasal kay Paueleen Luna.
Sinabi ng “Eat Bulaga” host na masuwerte siyang walang problema sa pamilya niya ang pag-iisang dibdib nila ng mas batang si Pauleen.
“With my family, with my brothers, boto naman sila kay Pauleen,” wika ni Vic sa kaniyang panayam sa “Bandila” ng ABS-CBN kagabi. “And my children, I’m just so blessed with beautiful and loving children.”
Aniya matagal na niyang nabanggit sa kaniyang pamilya ang planong pagkakasal.
“Yung mga kontra-kontra, tsismis lang 'yan,” dagdag ng 61-anyos na TV host at comedian.
Samantala, planong magsumpaan nina Vic at Pauleen bago matapos ang Year of the Goat, kung saan isang simpleng kasal lamang ang kanilang nais.
“Nagkasundo kami na simple lang. I’m not the type naman na magarbo, engrande. Basta 'andoon lahat ng mga kaibigan, pamilya, okay na.”
Sa ngayon ay wala pang tiyak na araw kung kalian ang kasal.