Bagong batch ng Starstruck avengers, walang itatapon

Malaki ang potensyal na maging matagum­pay na mga artista ang mga contestant ng pina­kabagong season ng Starstruck. Hindi lang kasi mga guwapo at magaganda ang mga kabilang sa bagong batch kundi umaapaw din ang kanilang mga talent. Iba na talaga ang mga kabataan nga­yon. Sa murang gulang pa lang ay alam na kung ano ang kanilang kayang gawin, at sa pagtanda nila ay sila na mismo ang nakaka-develop nito.

Dasal para sa mga naiwan ni Nards Belen at paggaling ni Emy Abuan

Nalungkot naman ako sa pagpanaw ng kabiyak ng dating entertainment editor ng Manila Bulletin na si Crispina Be­len. Namatay ang kanyang mister nang atakihin sa puso. Sabi ng kaibigan kong si Veronica Samio, wala raw itong bisyo mapa-sigarilyo o alak man at maalaga talaga sa katawan.

Pareho silang mag-asawa na mahilig sa pagkain ng gulay. Tadhana na siguro ‘yun.

Sa mga naiwan ni Nards Belen, ang aking taos-pusong pakikiramay.

Dasal naman ang handog ko sa entertainment writer at kasamahan ko rito sa Pilipino Star NGA­YON (PSN) na si Emy Abuan. Matagal nang may sakit si Emy at naka-confine sa hospital. Magpaga­ling ka agad, Emy, at huwag kang patatalo sa sakit mo.

Ken inaabangan na sa paglaladlad!

Ang dami nang nag-aabang kay Ken Chan sa pagganap niya ng title role sa teleserye ng GMA. Ang ganda-ganda kasi ng aktor sa mga teaser at trailer na inilalabas ng Kapuso Network para sa Destiny Rose, kung saan isa siyang transgender woman.

Congrats sa aking anak-anakan na napakalayo na ng nararating.

Binabati ko rin ang isa ko pang alaga, si Jake Vargas na maganda ang ipinakikita sa Buena Familia, katambal si Julie Ann San Jose. Maganda pala silang tandem. Mas gumaganda pa ang serye habang nagtatagal ito.

Sana nga ay matanggap na silang pareha dahil pareho silang single ngayon.

Show comments