Napanood namin ang Heneral Luna at totoo ang balitang mahusay si John Arcilla sa role ni General Antonio Luna. Dalang-dala nito ang ginagampanang karakter at ang nakatutuwa pa, ginawa siyang normal na tao rito na nagagalit, nagmumura, at nakikipagsiping sa nobya.
Gusto namin ang atakeng ginawa ni director Jerrold Tarog dahin hindi naging documentary ang dating. May drama, maraming action scene, at may comedy pa nga. Ang daming eksenang nagtawanan ang mga nanood sa premiere night.
Ngayong araw ang simula ng showing ng Heneral Luna at sana, sipagin ang moviegoers na panoorin ang pelikula dahil maraming malalaman sa history ng ating bansa. Nagulat lang kami sa karakter ni Emilio Aguinaldo, ganu’n ba talaga siya?
Anyway, ang sunod na gusto naming mapanood after John sa Heneral Luna ay si Dennis Trillo sa Felix Manalo at si John Lloyd Cruz sa Honor Thy Father. Ang tunog kasi ng balitang sina John, Dennis, at John Lloyd ang tatlong mahigpit na maglalaban sa pagka-best actor next year.
Mabuti na lang at showing na sa October 7, ang Felix Manalo, pero ang Honor Thy Father ay wala pang balita kung kailan ipalalabas. Mauuna yata itong ipalabas sa Toronto International Film Festival.
Sa trailer pa lang ng Felix Manalo, lutang na lutang ang husay ni Dennis at aakalain talagang siya si Felix Manalo. Kapag pinanood naman ang My Faithful Husband, Emman na Emman siya, walang trace ni Felix Manalo.
Shaina at Matteo natural na natural
Maganda ang naririnig naming feedback ng Single/Single na tinatampukan nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli dahil napapanahon ang story. Bagay kina Shaina at Matteo ang role nila, malakas ang chemistry ng mga bida at mahusay na director si Pepe Diokno.
Ang isang nabasa naming reaction ay sa Instagram (IG) pa ni Shaina na nag-post at kinon-gratulate sila ni Matteo. Natural acting daw silang dalawa, nakakatawa at effortless sila sa pagganap sa role ni Joee at Joey respectively.
Napapanood ang Single/Single 8 p.m., every Saturday sa Channel 56 ng Sky Cable Ch. 56 ng Destiny Cable Digital at Ch. 37 ng Destiny Cable Analog. May replay ito every Sunday, 10 p.m., at Wednesday, 8:30 p.m. Malapit na rin itong mapanood sa iWant TV at TFC Global. Co-produced ito ng Cinema One at The Philippine STAR.
Alden at Yaya Dub dinadagsa ng endorsement
Hindi lang pala dalawa, kundi tatlo na ang endorsement ni Alden Richards dahil bukod sa McDonald’s at Talk ‘N Text na sila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub ang magkasamang endorser, si Alden din ang bagong endorser ng GAOC Dental. Si Yaya Dub ay may mga susunod pang endorsement, kaya abang-abang lang!
Naglabas na rin ng teaser ang McDo sa TVC ng AlDub love team, no choice ang fast food chain na maglabas ng teaser dahil naunahan sila ng fans.
Sina Alden at Maine rin ang napiling Most Popular Breakout Love Team of the Year ng Edukcircle Awards, their first award as a love team. Pero ang hinihintay ng lahat ay kung makakasama si Yaya Dub sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Bebe Luv. Maganda sana kung makakasama siya kina Vic Sotto, AiAi delas Alas, at Alden sa pelikula.
Miggs mahusay na batang beki
Ang husay-husay ni Miggs Cuaderno bilang young Joey sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Destiny Rose.
Aliw din si Miggs sa mga eksenang naglalaro sila ng kaibigang babae at umaarte siyang batang beki. Gusto naming malaman kung first time nitong gumanap na bading. Paglaki ni Miggs, si Ken Chan na ang gaganap na Joey at Destiny Rose.