First time ng The Philippine STAR publication na sumabak sa pagpu-produce ng isang TV series, ang Single/Single, isang kakaibang romcom with social relevance na pinagtatambalan at pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli at palabas sa Cinema One mula sa direksiyon ni Pepe Diokno.
First team-up ito nina Shaina at Matteo na parehong masaya sa kanilang first time na magkatrabaho.
“Walang dapat ipag-alala ang mga fans nina Matteo at Sarah (Geronimo) dahil trabaho lang po ito,” natatawang pahayag ni Shaina na game na game sa mga eksena nila ni Matteo at isang certified single up to now magmula nang maghiwalay sila ng nobyong si John Lloyd Cruz na nobyo naman ngayon ni Angelica Panganiban.
“Don’t worry, I’m happily single,” natatawa nitong pahayag.
Of course, alam naman ng lahat na “taken” na si Matteo dahil meron na itong Sarah Geronimo na nagpapasaya sa kanya.
Alfred hindi iniiwan ang eskuwelahan
Nakakabilib naman ang actor-turned politician na si Rep. Alfred Vargas na kumakatawan sa ika-limang distrito ng Quezon City dahil sa kabila ng kanyang estado ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapalawak ng kanyang kaalaman sa larangan ng public service.
More than his being a public servant ay mas tumatak sa publiko ang kanyang pagiging actor na kanyang sinimulan nang siya’y mapasama sa ika-10 batch ng Star Circle ng ABS-CBN.
Matapos mapabilang sa kuwadra ng Kapamilya Network ay lumipat siya ng GMA kung saan siya nananatiling Kapuso for the longest time.
Si Alfred ay nakapagtapos ng A.B Management major in Economics sa Ateneo de Manila University at kasalukuyang kumukuha ng kanyang Master’s Degree in Public Administration sa University of the Philippines.
Si Alfred ay isa sa mga artista na marunong magpahalaga ng edukasyon.