Sobrang bait daw... Masuwerte ako kay Xian - Kim

Ibinahagi ni Kris Aquino kung gaano kalambing si Xian Lim na sinasabing espesyal sa puso ni Kim Chiu. Madalas na magkasama ngayon sina Kris at Kim dahil sa shooting ng pelikulang Etiquette for Mistresses kaya naoobserbahan ng Queen of All Media ang bawat paglalambing ni Xian kay Kim. “Naghihintay si Xi na matapos siya (Kim), that was pa-four in the morning. Naghihintay sa phone na sabihin niyang ano, dahil ayaw matulog kasi raw unfair na matutulog siya na si Kim was still working,” nakangiting kuwento ni Kris.

“This guy wants her to feel na I know you’re working hard but dinadamayan kita kahit malayo ako,” dagdag ng aktres.

Ayon pa kay Kris ay alam na alam daw niya sa tuwing tumatawag si Xian kay Kim. “For all the KimXi fans, matutuwa kayo sa tsika ko alam na alam ko lang talaga ‘pag si Xian tumatawag kasi nagbubunot na siya ng lapel,” pagbabahagi ni Kris.

Para naman kay Kim ay napakasuwerte niya dahil talagang maalaga sa kanya si Xian. “Mabait talaga siya as in sobra,” giit ni Kim.

Kyla ayaw makipag-compete kina Angeline at Erik

Madalas na sina Erik Santos at Angeline Quinto ang kumakanta ng teleserye theme songs sa Kapamilya network. Masayang-masaya si Kyla dahil siya naman ang napiling kumanta ng theme song ng On the Wing of Love na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Hindi naman daw nakikipagkumpetensya ang R&B Queen kina Erik at Angeline ngayong nakapagsimula na rin siyang kumanta ng isang teleserye theme. “Ako po personally wala po akong nararamdaman na competition. Kasi I’m sure si Angeline at Erik sobrang dami na nilang nagawang theme songs, more than sixty, thirty plus each theme songs sina Erik at Angeline. And sila naman, they happily give way to other artist like me. Para makagawa ng theme song sa ABS-CBN. Walang competition sa amin, sobrang sa Cornerstone, magkakapatid kami doon and they are really nice people,” paliwanag ni Kyla.

Magkakasama sa talent management na Cornerstone sina Kyla, Erik, at Angeline kaya wala raw talagang kumpetisyon sa pagitan ng tatlo. “I don’t feel like competing with anybody especially sa mga kapatid ko sa Cornerstone because we are in good relationship. And we are in a good state right now and I am just doing my job and doing my best to interpret kung ano man ‘yung projects na they will offer me,” dagdag pa ni Kyla.

Samantala, isang espesyal na concert ang pinaghahandaan ngayon ng singer bilang pagdiriwang ng kanyang ika-15 na taon sa industriya. “This will feel like a celebration, it’s like a thanksgiving para sa lahat ng mga tao who supported me, who are very excited dahil gagawin naming lahat para ma-entertain lahat ng manonood ngayong November 20,” pagtatapos ng singer.

Show comments