^

PSN Showbiz

Ejay nabitin kay Alex!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkatambal ngayon sa seryeng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sina Ejay Falcon at Alex Gonzaga. Ayon kay Ejay ay nabitin daw siyang makatrabaho ang aktres. “Nabitin akong nakatrabaho siya dahil alam naman natin ang Wansa ilang weeks lang kami. Parang nakukulangan ako do’n sa time na mas makilala ko siya at para mas marami akong mapupulot sa kanya at matututunan sa kanya ‘yun,” bungad ni Ejay.

Noong una ay naiilang daw ang aktor kay Alex at medyo natagalan pa bago nagkapalagayan ng loob ang dalawa. “Kasi sobrang lakas ng personality niya. Na-intimidate ako sa kanya pero ngayon masasabi ko na okay na ako sa eksena. Kapag magkaeksena kami kumportable na. Hindi na ako nagba-buckle, sana mabigyan pa ako ng chance na makatrabaho siya,” dagdag ni Ejay.

Samantala, si Ellen Adarna ang makakapareha ng binata sa nalalapit na Star Magic Ball. Napababalitang nagkakamabutihan na diumano sina Ejay at Ellen ngayon. “Sabi ko nga po ready na po ako, matagal na po. Ngayon sasabihin ko na po na ‘pag may dini-date ako, kung kami man, ready na akong umamin. Ang makapareha siya sa Star Magic Ball at ako ang nabigyan ng chance, sabi ko nga bigla akong gumuwapo ng ten times. Masaya kasi kumportable kami sa isa’t isa so masaya kami ‘pag magkasama,” pagbabahagi ng aktor.

Myrtle naka-move on na kay Brian

Noong July ay umamin si Myrtle Sarrosa na nagkahiwalay na sila ng anak ni Senator Grace Poe-Llamanzares na si Brian Llamanzares. Kamakailan ay kabilang si Myrtle sa inilunsad na Star Magic Angels at ngayon naman ay isa ang dalaga sa walong contestants ng Your Face Sounds Familiar Season 2.

Pakiramdam daw ng dalaga ay may dahilan ang magagandang bagay na nangyayari sa kanya ngayon. “Feeling ko talaga planned ni God ang nangyayari sa buhay ko because after that, when I hit rock bottom. No’ng isang point ng life ko parang I hit rock bottom, right after that I had nowhere to go but up. Tapos ngayon doble, triple pa ‘yung nangyayari. So siguro plinano talaga ni God na he would take away something from my life in order to replace it with something much, much better. I’m so thankful,” nakangiting pahayag ni Myrtle.

Naka-move on na raw ang dalaga mula sa naging relasyon nila ni Brian pero hindi pa raw handa na magkaroon ng bagong kasintahan. “Hindi na ako nakakaramdam ng lungkot. Actually, ‘yung love life, hindi ko na priority. Wala, hindi ko na priority. Gusto ko lang talaga mag-have fun and enjoy,” giit ng dalaga.

ACIRC

AKO

ALEX GONZAGA

ANG

BRIAN LLAMANZARES

EJAY

EJAY FALCON

ELLEN ADARNA

MYRTLE SARROSA

NGAYON

STAR MAGIC BALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with