Kakaibang Baron Geisler daw ang mapapanood sa telebisyon ngayon. Parte na rin ang aktor ng teleseryeng Nathaniel. Maraming gulo na ang kinasangkutan ni Baron sa totoong buhay kaya nagkaroon ng bad image ang aktor. Malinis na raw ang imahe ngayon ng binata sa nasabing proyekto. “Hirap nga akong tanggalin ‘yung bigote at balbas ko. For almost seven years, nandiyan lang ‘yan, hindi ko inaahit. Pero no’ng kausapin ako ng Dreamscape na mag-shave na ako for my role as Gustavo (Tagasundo) sa Nathaniel, pumayag agad ako,” nakangiting bungad ni Baron.
Isang malaking karangalan daw sa aktor ang makasama sa isang top-rating serye. “Ang gaan-gaan nilang katrabaho, lahat sila. Tapos si Marco (Masa), si Nathaniel, ibang klase siya. Ang galing ng bata, para talaga siyang anghel,” pahayag ni Baron.
Pinipilit ng aktor ngayon na huwag nang masangkot sa anumang kontrobersya kaya pagbubutihin na lamang ang kanyang trabaho. “Tapos naman na lahat ng ‘yon. All I want to do now is to work. I love my job, I love acting at ito ang gusto kong gawin. Malungkot ako ‘pag wala akong ginagawa. Sa totoong buhay, iba naman ako. Hindi naman ako masama, ha-ha-ha,” giit ni Baron.
Kamakailan ay napabalitang nag-away ang aktor at ang nakatatandang kapatid na si Donie. Si Baron na raw ang naunang lumapit upang makipag-ayos sa kanyang kuya. “Okay na kami ni Kuya Donie. Ako na ‘yung lumapit sa kanya at nakipag-usap. Naintindihan naman niya ako, we talk and we’re okay,” pagbabahagi ng aktor.
Chill lang kahit dalawang taon nang engaged, Denise hindi nagmamadaling pakasal
Magdadalawang taon nang engaged si Denise Laurel sa kasintahang basketbolista na si Solomon Mercado. Marami ang nagtataka kung bakit hindi pa nagpapakasal ang magkasintahan mula nang maganap ang kanilang engagement noong September 30, 2013. “I know he’s the one na talaga kaya hindi kami nagmamadali, chill lang kami which I love. Kasi he wants me to do everything. Para pagtanda namin, we have no regrets kumbaga. Kahit siya, gusto munang ma-achieve lahat ng gusto niyang ma-achieve. Go wherever you want to go,” paliwanag ni Denise.
Natatawa raw ang aktres sa kanyang tawag noon sa nobyo. “Kuya talaga ang tawag ko sa kanya, but now baby na. I didn’t know na parati pala niyang sinasabi sa mga kaibigan niya na dream girl daw niya ako. Tapos dati, sa akin siya nagsasabi ng mga problema niya. Ako rin ang nagbibigay ng advice sa kanya tungkol sa mga girls niya. Nakakatawa lang, kasi I never knew na we will end up together” nakangiting kuwento ni Denise.
Wala raw naging problema kay Solomon kahit mayroon nang anak sa unang nakarelasyon ang aktres. Sa katunayan ay malapit daw talaga ang basketbolista sa anak ni Denise na si Alejandro. “Daddy nga ang tawag niya eh,” giit pa ng aktres. Isa si Denise Laurel sa walong contestants ng Your Face Sounds Familiar Season 2 na magsisimula na sa September 12.