Grace pinayuhang tibayan ang dibdib, aarangkada na raw sa 2016!

Sen. Grace

MANILA, Philippines – Isang source ang nagkumpirma na itutuloy na ni Sen. Grace Poe ang pagkandidato sa pagka-presidente para sa 2016. Sa September 14 umano sila nakatakdang magproklama ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa isang malapit sa senadora, matagal nitong pinag-isipan at ng kanyang mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan ang nasabing desisyon.

Handa na rin umano ito sa mga ibabatong isyu sa kanya. Ang payo raw kasi ng mga kaibigan niya ay patibayan ng dibdib ang labanan sa pulitika.

Ang huling inintriga kay Sen. Grace ay nang ‘di niya mapigilang umiyak habang nagbibigay pugay sa kanyang mga magulang sa isang pagtitipon ng mga advocates ng adoption sa bansa.

Ilang beses raw kasi kinailangang tumigil ng senadora sa pagsasalita para magpunas ng luha at humugot ng lakas upang ipagpatuloy ang kanyang speech sa Global Consultation on Child Welfare Services, kung saan ang theme ay “Adoption: A Lifelong Journey and Commitment.”

Ayon kay Sen. Grace sa mga naglabasang interview, kapag sa Senado naman daw ay hindi siya nagiging emosyonal sa kanyang mga ipinaglalabang isyu ngunit kapag ang usapan ay napupunta sa pag-ampon ng bata ay talagang damang-dama niya ang kahulugan nito.

“Ang pagiging magulang ay ‘di lamang dahil niluwal o ipinanganak mo sila; ang pagiging magulang ay pagmamahal, oras, at sakripisyo sa anak,” pahayag ng senadora sa mga naunang interview.

Aniya sa nasabing speech na nagkalat sa social media, ang mga magulang na nag-aampon ay kahang-hanga sapagkat wala silang ibang motibo kundi ang magmahal at mag-aruga ng isang nilalang na hindi nila kadugo ngunit nangangailangan ng magulang.

Inalala ni Sen. Grace ang kanyang mga magulang na sina yumaong Fernando Poe, Jr. at ang asawa nitong si Susan Roces, tinaguriang King and Queen of Philippine Movies, na kumupkop at nagpalaki sa kanya bilang kanilang tunay na anak. Ni minsan, ani ng senadora, walang kwestiyon na ang nais lamang ng kanyang mga magulang ay mahalin siya ng lubos.

Sa puntong ito, mas naluha pa raw si Sen. Grace.

Pero ginawan ‘yun ng isyu. Bakit daw kailangang maiyak siya?

Pero ayon naman sa source ko, unti-unti nang natatanggap ni Sen. Grace na lahat ng gagawin niya ay minamanmanan kaya mas magiging mai­ngat na raw ito.

Lahat ng mga taga-showbiz ay nakatutok kay Sen. Grace dahil nga alam naman ng lahat kung ano’ng papel nina Tita Susan at FPJ sa showbiz.

Ang hihintayin ngayon ay kung sino ang mga artistang kakampanya sa kanya.

Ang election kasi ay labanan din ng mga artistang kakampanya sa mga kandidato na binabantayan din naman lalo na sa mga probi-probinsiya.

Piolo walang nabago sa hitsura

Ipinalabas uli kahapon sa Cinema One ang pelikula nina Claudine Barretto and Piolo Pascual na Milan.

In fairness kay Piolo, kung hitsura ang pag-uusapan parang walang nagbago sa kanya noon at ngayon.

Si Claudine kasi batang-bata sa pelikula kaya alam mong matagal na ‘yun. Actually, mas fit pa nga ang hitsura ni Piolo ngayon kesa sa nasabing pelikula nila.

Matuloy nga kaya ang pagsasama uli sa pelikula nina Claudine and Piolo ngayong balik-Kapamilya na si Claudine?

Liza sa Amerika pa nag-pictorial para sa Metro

Super ganda ni Liza Soberano sa three-cover special of the Big Fashion Issue of Metro magazine ngayong September.

Metro’s celebrated Big Fashion Issue which was shot in California, marks Liza’s long awaited return to her hometown and her reunion with her mother na hindi niya nakita ng pitong taon.

“Metro likes to create a story that goes deeper than just snapping a pretty photo in a foreign city. We chose to bring Liza to California for our Big Fashion Issue because its tailor made to mesh with her rising career. California encapsulates Liza’s past and bright future,” Metro’s editor-in-chief Sarah Meier said.

Ang nasabing shoot ni Liza with Metro ay sinasabing grand California road trip as the Metro team flew her to Santa Clara, San Jose, and Los Angeles. The Kapamilya teen star was also dressed in stylish outfits from top American brands like DKNY, Ralph Lauren, Tory Burch, Coach, Calvin Klein, Brooks Brothers, and Tommy Hilfiger.

Isa si Liza sa pinaka-hot young actress ng Kapamilya network kaya naman kabi-kabila ang kanyang endorsement. Sunud-sunod din ang mga pelikula niyang gagawin.

Prayers for Tita Emy…

Get well soon to PSN (Pilipino Star NGAYON) and PM (Pang-Masa) columnist Tita Emy Abuan.

Tulungan natin siyang magdasal para malampasan ang kanyang karamdaman.

Kasalukuyan siyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Lung Center.               

Show comments