Anak ni Sen. Grace mas gustong i-display si Jasmine kesa kay Myrtle?!
Hindi pa naman pala mag-on sina Jasmine Curtis Smith at Brian Llamanzares.
Nagsisimula pa lamang silang kilalanin ang isa’t isa.
Marami ang pumupuri sa anak ng senadora dahil kung nu’n ay hindi siya naging open sa pakikipagrelasyon kay Myrtle Sarosa ngayon kay Jasmine ay hindi niya itinatago ang kanyang panliligaw.
Theme song ng Etiquette… sakto sa kuwento
Maganda ang video ni Lani Misalucha na kinakanta ang theme song ng pelikulang Etiquette For Mistresses. You Don’t Own Me ang napiling theme song ng movie na mas lalong nag-inspire sa marami na mapanood ang pelikula.
Juday at Ryan, wala nang mahihiling pa
Binabati ko sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil babae pala ang magiging anak nila. With three children, siguro naman ay masayang masaya na ang mag-asawa, maganda pa rin naman ang takbo ng mga karera nila.
- Latest