Kung si Heart Evangelista ay tanggap ang pagiging madrasta ng twins ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero sa ex-wife nitong si Christine Flores, tanggap na rin ni Pauleen Luna ang mga anak at mga apo ng kanyang magiging mister na si Vic Sotto.
Si Vic ay may mga apo na sa kanyang dalawang panganay na anak na sina Danica at Oyo (sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie) habang nanatiling single pa rin hanggang ngayon ang dalawa niyang mga anak na sina Vico (kay Coney Reyes) at Paulina (kay Angela Luz).
Karylle at Yael nahihirapang magka-baby
Masaya ang panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla (sa ex-husband niyang si Dr. Modesto Tatlonghari) na si Karylle para sa kanyang ina dahil nakikita niya kung gaano ito kasaya ngayon sa piling ng kanyang fiancée, ang sikat na arkitektong si Conrad Onglao.
Nakita ni Karylle ang kalungkutan sa kanyang ina nang pumanaw ang longtime partner nito na si Dolphy. Bumalik lamang umano ang sigla ng kanyang ina nang dumating sa kanyang buhay si Conrad.
Speaking of Karylle, inamin nito sa amin na ready na umano siyang magkaroon sila ng baby ng mister niyang si Yael pero alam niya na darating ito in God’s perfect time.
Since parehong mahilig sa musika ang mag-asawang Yael at Karylle, marami silang common interest at kasama na rito ang paglikha ng mga awitin.
Si Karylle ay regular pa ring napapanood sa daily noontime show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime bilang isa sa mga hosts ng programa.