Anumang gawing paninira ng iba sa Philippine boxing hero na si Manny Pacquiao, wala na sigurong ibang boxing icon ang katulad niya na sumubok sa iba’t ibang larangan tulad ng pagkanta, pagku-concert, pag-aartista, pagiging game show host, pagiging celebrity endorser, pagiging isang negosyante, pagiging playing coach ng isang basketball team, preacher, at higit sa lahat ay ang kanyang pagiging isang mambabatas. At kahit pagsama-samahin itong lahat ay tanging si Manny lamang ang nakagawa nito labas pa sa kanyang pagiging isang devoted husband sa misis niyang si Jinkee Pacquiao at ama ng kanilang mga anak.
Ngayon malamang maging Hollywood actor siya dahil inalok siya ni Sylverster Stallone na makasama sa ika-4th movie franchise ng hit action movie na The Expendables.
Edu binata pa rin kahit malapit nang maging senior citizen
Hiwalay man sa respective mothers ng kanyang tatlong anak si Edu Manzano, napanatili niya ang magandang relasyon bilang kaibigan sa mga ito hanggang ngayon.
Si Batangas Gov. Vilma Santos ang unang misis ni Edu at ina ng kanyang panganay na si Luis Manzano who is carving a name of his own. Si Rina Samson naman ang ina ng dalawa pa niyang anak na sina Adi at Enzo.
Ma-link man sa iba’t ibang babae ang malapit nang maging senior citizen na si Edu ay wala na ito kina Gov. Vi at Rina lalo na kay Vi na meron nang Sen. Ralph Recto at isa pang anak na si Ryan Christian.
Marami ang nanghinayang nang magkahiwalay sina Edu at dalaga ng basketball icon at dating senador na si Freddie Webb na si Pinky Webb na ang buong akala ng marami ay mauuwi sa kasalan.
Hanggang ngayon ay nananatili pa ring binata (but not loveless) ang veteran TV host-actor na si Edu na parang kabarkada lamang ang mga anak kung sila’y magkakasama.
Jason at Melai hindi nagkukumpara ng mga sahod
Aminin man o hindi ng mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros, si Melai talaga ang mas malaki ang kinikita kesa sa kanyang mister. Pero ayaw itong gawing issue ng mag-asawa dahil ang mahalaga ay nagkakatulungan sila para mapalaki at mabigyan ng magandang future ang kanilang more than one-year old daughter na si Amelia Lucille.
Nagkaron ng second wind ang career ni Melai nang siya’y tanghaling grand winner ng kauna-unang singing reality show na Your Face Sounds Familiar na malapit nang magkaroon ng ikalawang season this month kung saan ay kasama pa rin ang singer-comedienne hindi bilang contestant o participant kundi bilang co-host ni Billy Crawford.
Nakahanap ng iba Singer-composer, diretso sa ex-wife ang 50% ng kita!
Hiwalay na pala ang kilalang veteran singer-composer na ito sa kanyang misis kung kanino siya may mga grown up children. Pero ang ex-wife pa rin ang tumatayong manager ng kanyang ex-husband at hati sila, as in 50-50 sharing sa mga kinikita ng singer-composer although tumatanggap na rin ng direktang booking ang bagong kinakasama ngayon ng singer-composer.
At one point ay ang legitimate wife umano ang pinaalis ng singer-composer sa kanilang conjugal house pero hindi ito ginawa ng ex-wife dahil siya ang mas may karapatan na manatili sa bahay.
Masamang-masama man ang loob ng ex-wife ng singer-composer sa dating mister dahil ipinagpalit siya sa iba, wala naman siyang magawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na may mahal na itong iba.