Sam Pinto at Archie Alemania, bagong love team?

MANILA, Philippines - Magpapakita ng natatago nilang talento sa musika ngayong Sabado sina Sam Pinto at Archie Alemania sa isa na namang nakakakilig na episode ng Wagas sa GMA News TV.

Kahit nasa magka-ibang mundo, pinagtagpo ng maraming magkaparehong bagay sina Mark (Archie), ki­lala bilang rapper na si Krazykyle, at Jaselle (Sam) na bi­ninyagan naman bilang female rapper na si Lady Zasta.

Nasa magkalayong eskwelahan noon pero simula elementary, babaeng rapper na si Jaselle at bida rin sa school activities bilang rapper si Mark. Disi-otso anyos nang mabuntis si Jaselle habang naging single father din si Mark.

At nang mahanap nila ang isa’t isa ay para na rin nilang natagpuan ang nawawalang kapareha na swak ang bagsak at tama ang tunog.

Abangan ang kanilang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa Wagas ngayong Sabado, 7:00 pm, sa GMA News TV Channel 11.

Show comments