MANILA, Philippines – Nag-uwi ang ABS-CBN Corporation ng pitong parangal sa ikalawang Spark Awards for Media Excellence matapos mapanalunan ang Gold award para sa Best Media Solution-Integrated Media category sa kanilang kampanyang Pope Thank You sa Malasakit: A Message From a Grateful Nation kasama na ang tatlo pang Silver at Bronze awards.
Ang Spark Awards ay inorganisa ng Marketing Magazine upang parangalan ang mga nangungunang media owners sa Southeast Asia.
Panalo rin ang Kapamilya Network ng Silver award sa Best Campaign by a Media Owner at Best Media Solution-Integrated Media para sa Isang Bayan Para Kay Pacman campaign habang ang ABS-CBN 360 App naman ay pinarangalan ng Silver award para sa Best App by a Media Owner.
Samantala, Bronze naman ang iginawad ng Spark Awards sa kanilang Book of Thanks sa Best Media Solution-Social Media, sa Love Is On campaign para sa Best Use of Branded Content by a Media Owner, at sa ABS-CBN Sales and Marketing team bilang Best Content Team.
Naipanalo ng Kapamilya Network ang unang Gold Award for Best in Show category noong nakaraang taon pati na rin ang dalawa pang Gold Spark Awards para sa Tulong Na, Tabang Na campaign ng network na siyang tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Bukod sa tatlong Gold award, nag-uwi rin ng dalawang Silver award at apat na Bronze award ang ABS-CBN.