Voice Male hindi nahirapang magka-album, hataw agad ang raket sa probinsiya
MANILA, Philippines – Nabuo ang boy band na Voice Male dahil sa natatanging talento nina Clark, Darwin, Ron at Varl sa pagkanta. Importante raw kasi ang versatility na napagsama-sama nila ang kani-kanilang individual voice range na may ibat ibang quality nang mabuo ang grupo.
Kayang-kaya nilang kantahin ang kahit na anong genre ng music, mula sa pop, RNB, reggae, classical, rock alternative, dance/techno beat, at iba pa.
Kaya naman hindi sila nahirapang magka-album. Ngayon ay released na ang kanilang very first single with their self-entitled album under Universal Records kasabay ang pinakauna nilang music video na mapapanood na online.
Ngayon nga ay busy ang Voice Male sa sankatutak na guestings sa TV at radio kabilang ang mga show na Mister Showman’s Walang Tulugan, The Late Night Show with Jojo A, Pambansang Almusal at Net 25, Eagle Rocks’ Letters & Music, Barangay LS FM 97.1, Love Radio 90.7, Brigada News FM 104.7, at kakatapos lamang nila mag-perform sa ABS-CBN’s MOR 101.9 ng live!
May regular mall show din ang Voice Male tuwing weekend sa Fisher Mall na located along Quezon Avenue sa Quezon City.
Madalas din silang umapir sa mga out-of-town shows gaya ng pageants, fiestas, festival at iba pang special events para pakiligin ang madlang people!
- Latest