Idolito Dela Cruz natupad na ang pangarap na magka-album
MANILA, Philippines – Ang singing champion ng April Boy Regino’s Umiiyak Ang Puso sa Sang Linggo NAPO Sila at champion din sa singing contest ng April Boys sa Eat Bulaga na si Idolito Dela Cruz ay may sariling album na ngayon. Ito’y pinamagatang Ngayong Nandito Ka Na… Idolito Dela Cruz. Limang original songs ang napaloob sa album at ang carrier single nito ay Ngayong Nandito Ka Na. Kasama rin sa album ang Lumaban Ka, All The Time, Itaga Mo sa Bato, at Mundo ay Nagbago. Ito ay prodyus and distributed by DB Energy Music Co.
Nine years old siya nang mahilig sa musika. Mahilig din siyang mag-compose kaya apat sa kanta niya sa album ay siya rin ang sumulat. May pinaghuhugutan daw siya sa paggawa ng kanta kaya nakabuo na siya ng almost 300 songs. ‘Yung apat na kanta na isinama niya sa album niya ay napapanahon daw at dapat mapakinggan ng netizens.
‘Yung Ngayong Nandito Ka Na ay handog niya sa kanyang one and only love. Hindi pa raw sila kasal pero magdadalawang taon na silang mag-on. Nakaka-relate sila sa kanta dahil nu’ng mga bata pa sila ay pinaghiwalay raw sila, may nag-abroad at hindi nila alam na sila rin ang magkakatuluyan. Hindi pa sila sure sa mga feelings nila nu’ng araw dahil crush lang nila ang isa’t isa.
“Bata pa ako mahilig na ako music. Lahat ng brothers and sisters ko kumakanta. Sobra rin ang influence ng parents ko sa pagkanta ko,” bulalas pa ni Idolito.
Pero sa family nila, siya lang ‘yung nagseryoso dahil passion niya ang pagkanta samantalang ang mga kapatid niya ay nakahiligan lang.
Si Idolito ay mina-manage ngayon nina Benjie Pe Benito at Dennis Dela Cruz.
Screen name lang ba niya ang Idolito?
“Totoong pangalan ko ito,” pakli niya.
Kilala ang pamilya nila sa Pampanga at idol ng mga kababayan nila.
“Actually, hindi naman talaga ako ang iniidolo ng mga taga- Pampanga kundi yung erpat ko (29 years na Lupon sa Barangay nila pero parang buong Pampanga ang nangyari). Para siyang Robinhood. Sobra ‘yung pagtulong niya at ako ‘yung sidekick. Tapos tinatawag akong idol. Ako ‘yung laging inuutusan ni daddy at the same time lagi akong sumasali sa mga contest. Laging champion.
“’Yung time na ‘yun kasi nagpa-contest ang Sang Linggo NAPO Sila para sa kanta ni April Boy Regino, nanalo ako. Ang Eat Bulaga nagpa-contest din sina Vingo at Jimmy (April Boys), nag-champion din ako,” kuwento niya.
Pansamantalang tumigil siya sa pagkanta nu’ng 2009 dahil namatay daw ang parents niya. Parang nawala raw lahat ang mga pinaghuhugutan niya at inspirasyon.
Pero nu’ng second death anniversary ng daddy niya naalala niya ‘yung sabi ng tatay niya na ituloy ang mga pangarap niya sa pagkanta. Alam daw kasi ng daddy niya ang kanyang determinasyon at passion sa pag-awit.
Ngayon ay naggi-gig daw siya sa Pampanga.
Nadiskubre din siya nina Benjie at Dennis nu’ng mag-record siya ng kanta para sa themesong ng indie movie na Mga Batang Hamog. Dun siya nadiskubreng gumawa ng album dahil may potensyal daw ito na maging recording artist. Fulfillment para kay Idolito na magkaroon ng sariling album.
- Latest