Isa na siguro sa mayamang artista ngayon ang aktres na ito dahil may property ang kanyang pamilya na nabenta raw ng P100-M. Tapos, ilan lang sila sa kanyang pamilya ang naghati sa milyones, kaya malaking pera ang parte niya.
Pero tahimik ang aktres, hindi niya binago ang kanyang lifestyle kahit marami na siyang milyones at masipag pa ring magtrabaho. In fact, nagpupuyat ito sa taping ng teleseryeng kinabibilangan niya at game na sumasama sa mall shows para i-promote ang teleserye.
Hindi rin kinakitaan ng pagbabago ang mga kilos ng aktres kahit milyonarya na siya. Magiliw pa rin siya sa lahat at ang tila pagbabago lang sa kanya ay ang pagbili nila ng bahay ng kanyang mister at dito sila nakatira ngayon at ng kanyang pamilya.
Kris nagbebenta ng kanyang designer bags para may pambili ng dream house
Kabilang sa segment host ng StarStruck 6 si Kris Bernal at siya ang social media correspondent ng nagbabalik na reality artista search ng GMA 7. Ang magiging role niya ay ang pagre-report sa reaction at feedback ng netizens sa SS6 at sa Top 35 hopefuls.
Sa September 7, bago mag-24 Oras ang pilot ng SS6, hindi live ang episode from Monday to Thursday at sa Friday ang live episode hosted by Dingdong Dantes and Megan Young. Si Rico Gutierrez ang director ng nasabing artista search.
Nakita na ni Kris ang Top 35 hopefuls na matatangkad at magaganda at inaming medyo na-threaten siya. Gaya ng ibang segment hosts, gusto niyang suportahan at tumulong sa Top 35 hopefuls.
Ang SS6 lang ang regular show ni Kris sa network ngayon at naggi-guest lang siya sa ibang shows ng GMA 7 at GMA News TV, pero gusto niyang magka-soap uli. May narinig siyang baka bago magtapos ang taon ay may gawin siyang soap at ngayon pa lang ay excited na ito.
Ang pagka-miss sa acting ay naibubuhos niya sa first PETA play niyang Noli at Fili na magbubukas sa September 11, kung saan ginagampanan niya ang role ni Clarissa na fiancée ni Ibarra.
Samantala, may rason naman pala kung bakit ibinenta ni Kris ang tinatawag niyang pre-loved designer bags sa bazaar sa SMX Convention Center noong nakaraang weekend. Nag-iipon siya ng malaking pera para sa makapagpatayo ng dream house para sa kanila ng kanyang pamilya. Fifteen to twenty million pesos ang target niyang ipunin at malaking tulong ang nakuhang pera sa pagbebenta ng bags.
Umabot sa 40 designer bags gaya ng ng Louis Vuitton, Gucci, Givenchy, Prada, Balenciaga, at iba pang brands ang nabenta at ibinebenta pa ni Kris. May time palang naadik siya sa pagbili ng branded bags dahil reward niya raw ito sa sarili tuwing may natatapos siyang project. Kaya lang, kailangan niyang ibenta ang mga ito para sa dream house for her family.
Ang hindi nabili sa bazaar ay ibibenta niya online. Hintayin n’yo na lang ang post niya sa social media para sa details.
Iñigo ayaw manghingi ng pera kay Piolo
Naalala namin si Iñigo Pascual sa presscon ng kick-off ng Sun Life #LiveFFreePH Movement na hindi sinagot ang tanong ng press na “how much is he worth now?” dahil kailangan na niya ng tulong ng amang si Piolo Pascual pagdating sa kinikita niya sa showbiz.
Nag-blush ang young actor lalo na nang tingnan siya ni Piolo na hinintay siguro kung sasagutin ng anak ang tanong. Hindi rin sinagot ni Piolo ang tanong para sa anak at ang sinabi lang, natutuwa siya dahil at an early age, alam na ni Iñigo ang importansya ng hard work.
Nabanggit din ni Piolo na very proud siya sa anak dahil hindi mahilig humingi ng pera at material things sa kanya. Kahit birthday gift, hindi nanghihingi at mas gustong pagtrabahuhan ang gustong bilhin.