^

PSN Showbiz

Claire, Imelda, at Eva bumabanat pa ng mga kanta ni Ariana Grande

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ang pag-aasikaso ng mga napakarami niyang bus ang kumukuha ng panahon ni Claire dela Fuente, abala rin siya sa kanyang pag-aaral ngayon. Yes, bumalik ang masipag na negos­yante at ina ng dalawang grown up boys sa kanyang pag-aaral. Matapos makumpleto ang kanyang Master’s degree para sa Business Administration, nasa proseso naman siya ng pagtatapos ng kanyang Doctorate para sa alternative medicine.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa es­kuwela, na­ga­gawa pa rin ni Claire na bigyan ng kasiyahan ang kanyang naunang passion, ang pagkanta. Siya at ang grupong kinabibilangan niya, ang Supernova Girls Production, Inc. ang nagprodyus ng concert nila nina Imelda Papin at Eva Eugenio.

Matagumpay ang kanilang SRO concert na The Legendary Jukebox Queens na ginanap sa Perfor­ming Arts Theater ng Resorts World Ma­nila kama­kailan. Mayroon ngang interesado na dalhin ang con­cert sa Amerika, pero ito ay daraan pa sa masu­sing konsiderasyon dahil sa kaabalahan ng tatlong “reyna”. Nag-aaral si Claire at si Imelda naman ay nakatakdang lumahok sa pulitika sa eleksyon. Tatakbo itong congressman sa isa sa mga distrito ng Bikol kung saan siya nagbuhat.

Going back to the Legendary Jukebox Queens, aliw na aliw ang lahat ng nanood sa show na pinatunayang hindi nalalaos ang kanilang talent. Sa halip na kupasan sila ng talento ay mas lalo pang gumaling sa pagkanta ang tatlo.

Hindi rin naging problema ang kanilang pagdagdag ng timbang na naitago ng mga magaganda at makikintab nilang gowns. Ipinamalas din ng tatlo na kaya nilang sumabay sa mabilis na pag-inog ng panahon sa pagkanta ng mga kanta nina Ariana Grande at mga kaliga at kasabayan nito.

Alas-dose na ng gabi natapos ang palabas, pero inabot pa ang tatlo hanggang mga alas-3 ng umaga para mapagbigyan ang lahat ng mga nanood na makapagpalitrato sa kanila at makapagpapirma ng mga album na binili nila sa lobby ng teatro.

Champagne Morales interesado pa rin sa showbiz

Hindi man tuluyang nagagampanan ni Cham­pagne Morales ang kanyang love for singing dahil abala siya sa kanyang trabaho bilang realtor, hindi naman niya ito tuluyang iniwan dahil madalas pa rin siyang maimbita sa pag-host ng mga corporate show kung saan siya pinakakanta. Tulad ngayong araw hanggang bukas, magsisilbi siyang host ng isang event para sa Department of Tourism.

Nung nakaraang linggo ay naimbita niya ka­ming mga dating kaibigan ng madir niya na si Dinah Do­minguez sa binyag ng kanyang anak na si Ariana. Obvious na hindi mami-miss ni Champagne ang trabaho niya sa showbiz dahil sa napaka-cute niyang anak, pero sinabi niyang open siya sa mga singing and hosting jobs mapa-showbiz man o hindi.

ACIRC

ANG

ARIANA GRANDE

ARTS THEATER

BUSINESS ADMINISTRATION

CHAMPAGNE MORALES

KANYANG

LEGENDARY JUKEBOX QUEENS

MGA

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with