Walang galit at paghihiganti ang mga kabanata... Serye nina Nadine at James hindi pilit ang pagpapakilig

International TV show ni Anne lalarga na!

SEEN: Safe ang mga sagot nina Rocco Nacino at Mark Herras sa presscon ng Starstruck 6 nang tanungin tungkol sa pamamayagpag ngayon ni Alden Richards dahil walang showbiz personality na aamin sa publiko na natalbugan sila ng kapwa artista.

SCENE: Wala sina Megan Young at Jennylyn Mercado sa presscon ng Starstruck 6 dahil may taping sila para sa MariMar at My Faithful Husband, respectively.

SEEN: “Bayani” si Regine Velasquez ng kanyang mga dating kasamahan sa Sunday All Stars dahil hindi niya tinanggap ang replacement show na Sunday PinaSaya bilang pakikisimpatiya sa mga nawalan ng trabaho.

SCENE: Ipalalabas sa mga sinehan sa September 23 ang Resureksyon, ang unang pelikula ni Jasmine Curtis Smith sa Regal Entertainment, Inc. Co-stars ni Jasmine sa horror movie ng Regal Entertainment, Inc. talents na sina Paulo Avelino at Isabelle Daza.

SEEN: Interesadung-interesado ang direktor na si Mike Tuviera na gawan ng pelikula sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Malaki ang tsansa na matupad ang dream project ni Mike dahil contract star si Alden ng kanilang family owned production outfit, ang APT Entertainment, Inc.

SCENE: Kilig na kilig ang televiewers sa hindi hard sell na kilig moments nina Nadine Lustre at James Reid sa mga eksena nila sa On The Wings of Love na feel good teleserye at hindi kagaya ng Pangako Sa ‘Yo na punumpuno ng mga galit at paghihiganti ang bawat kabanata.

SEEN: Ngayon ang playdate sa mga sinehan ng Ex With Benefits, ang comeback movie ni Derek Ramsay sa Star Cinema. Launching movie ni Coleen Garcia ang Ex With Benefits.

SCENE: Mapapanood bukas, September 3, sa Lifetime Asia Channel ang F Word Out Loud with Anne Curtis, ang international television show ni Anne.

Show comments