Marami na pala sa winners at mga runner-up ng Starstruck ng GMA 7 ang nag-ober da bakod at ‘yung iba ay nag-quit na sa showbiz.
Nag-asawa at U.S.-based si Jewel Mische, nag-ober da bakod sina Iwa Moto, Mart Escudero, at Steven Silva sa TV5 at regular nang napapanood sa ABS-CBN si Sarah Lahbati.
Private citizen na uli si CJ Muere at Australian citizen na ang Starstruck Kids winner na si Kurt Perez na binata na ngayon, tulad ng kanyang batch mate na si Miguel Tanfelix.
Sa totoo lang, marami sa Starstruck Avengers ang missing in action na dahil hindi naging successful ang kanilang mga showbiz career.
Napag-uusapan ang former winners at contestants ng Starstruck dahil mapapanood na sa darating na Lunes, September 7, ang Season 6 ng reality based artista search ng GMA 7 na may hashtag na #worthethewait.
Regine gustong maging mabait na judge
Naging host na si Regine Velasquez ng mga singing contest pero ngayon lamang niya mararanasan na maging judge at mangyayari ito sa Starstruck 6.
Excited na si Regine sa kanyang bagong responsibilidad at dahil mabait siya, makakasiguro ang mga contestant ng Starstruck na hindi sila makakatikim ng mga pang-ookray mula sa first time judge.
“It’s my first time to be a judge so it’s very exciting for me. I’m also looking forward to see the kids. I saw them, nag-pictorial ako. I saw some of them.
“Kris (Bernal) said they’re all very pretty, matatangkad so I’m hoping na matatapatan din nu’ng ganda nila ‘yung kanilang mga talento.
“Never ko pa na-experience na mag-judge and it’s not naman in my personality to be mean but I think puwede naman akong mag-critique in such a way na they won’t naman feel bad. I think I would be able to do that.
“Importante rin ‘yon kasi how would they know kung saan sila bagay o saan sila nagkakamali o kung alin ang dapat nilang i-improve if none of the judges would actually say it.
“I’m excited to work with Tito Joey (de Leon), I have never worked with him actually. I only see him sa Startalk,” ang sey ni Regine sa presscon ng Starstruck 6 noong Lunes.
Dingdong doble-kayod sa SS6
Ngayon ang biyahe ni Dingdong Dantes sa New York dahil kasali siya sa show ng GMA Pinoy TV.
Si Dingdong ang main host ng Starstruck 6 kaya nagpatawag na ng presscon ang GMA 7 bago siya magbabu papunta sa New York.
Hindi lamang host ng Starstruck 6 si Dingdong dahil judge rin siya kaya dalawa ang role niya sa artista search ng Kapuso Network.
Gamay na gamay na ni Dingdong ang pagiging host ng Starstruck dahil ginagawa na niya ito mula pa noong 2003.