Hindi si Elha Nympha ang bet ko sa season 2 ng The Voice Kids na mula sa kampo ni Bamboo. Mas gusto ko si Esang de Torres na sa edad niya ay nakakasabay sa mga mas nakatatandang finalists. And between Elha and the other Bamboo kid, I thought na mas nakakalamang sa boses si Sassa Dagdag. Hindi ko inakala at nagulat pa nga ako nang magpakitang-gilas finally si Elha sa finals, lalo na nung ikalawang araw. Ni hindi ko naisip na marami ang magkakagusto sa kanya dahil tindera lamang siya ng banana cue.
Nakakaiyak, pero ganito ang reaksyon ko sa mga dinaratnan ng suwerte. Maaring hindi talikdan ni Elha ang pagtitinda ng banana cue ngayong milyonarya na siya, pero mas sosyal na siyang tindera ngayon dahil baka magrasyon na lamang siya sa subdivision o village na kanyang lilipatan. At baka pag ihahatid niya ito ay nakasakay na siya sa bago niyang kotse. Anuman ang kahinatnan ng bagong The Voice Kids winner, nakasisiguro na siya ng isang mas magandang buhay.
Pero kahit sabihing nanalo siya sa votes dahil sa simpatiya ng mga tao dahil nga sa isa siyang banana cue vendor, may karapatang manalo si Elha dahil sa kanyang talento.
Dahil na rin sa request ng televiewers, ikalawang season ng YFSF napaaga
Ang agang magkaro’n ng season 2 ng Your Face Sounds Familiar, pero dahil sa naging success ng show ay parang welcome na welcome sa lahat ang muling pagpapalabas nito. May pagbabago lang sa ikalawang season dahil may kapartner na si Billy Crawford sa pagiging host ng show. Makakasama na niya ang nagkampeyon sa season 1 na si Melai Cantiveros.
Dapat pala ay sa 2016 pa ang season 2 ng YFSF, pero sa napakaraming request ay nagdesisyon na ang ABS-CBN na sundan na agad ang pograma. Magsisimulang mapanood ang YFSF sa September 12 and 13 na mabilis nakapili ng mga celebrity contestant na kinabibilangan nina Sam Concepcion, Denise Laurel, KZ Tandingan, Myrtle Sarrosa, Kakai Bautista, Michael Pangilinan, Eric Nicholas, at Kean Cipriano. Tatayo muling judges sina Jed Madela, Sharon Cuneta, at Gary Valenciano.